Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronnie Liang, ambassador ng HICC

KATATAPOS lang pumirma ang OPM Prince of Ballad na si Ronnie Liang bilang bagong celebrity endorser ng Holistic Intergative Care Center (HICC) headed by Dr Imelda “Meddi” Adodollon, MT, MD, NMD.

Ang nasabing care center ay naniniwalang may sariling kakayahan ang ating katawan para pagalingin ang ating karamdaman dulot ng stress, life style, at pagpupuyat. Ang mga nabanggit ay dahilan kaya nawawala ang kapasidad ng ating katawan na pagalingin ang ating sarili at ito ngayon ang gustong mangyari ng HICC.

Inamin ni Dr Adodollon na perfect ambassador ang mang-aawit dahil malaki ang paniniwala nito sa makabagong pamamaran ng panggagamot ng kanilang care center na idinadaan sa tamang pagkain, tamang ehersisyo, at tamang life style.

Sa panayam kay Ronnie, idiniin nito na dapat kumain ng gulay, manok, at isda. ”Iwasan kumain ng karneng baboy, iwasan din ang pag-inom ng alak at paninigarilyo dahil kung wala ang mga ito sa loob ng ating katawan ay malaking tulong ito sa pagiging aktibo ng ating katawan laban sa mga karamdaman.”

Masaya siya sa napabalitang isinusulong na batas na lahat ng restoran na dapat kasali sa kanilang menu ang pagsilbe ng ‘half cup of rice.’ ”Ang kanin ay nagiging asukal ‘yan sa ating katawan at kapag naparami, diabetic ang pupuntahan mo dahil asukal ‘yan kapag hindi natin na-burn.

“Tayo ay posibleng magkaroon ng potensiyal na sakit na na-activate dahil sa stress at acidity ng katawan. Hindi naman sa mana-mana ‘yan dahil naging aktibo ito dahil sa kinakain natin, life style at puwede naman na magkasakit tayo na wala sa mana, ibang karamdaman, ‘di ba?”

Pabor siya sa naging pahayag ni Kuh Ledesma sa naganap noong fund raising para kay Bernardo Bernardo na may karamdaman ngayon sa pancreas, na hindi na kailangan ang operasyon para gumaling ang beteranong komedyante.

“’Yun po kasing isinasaksak na gamot sa atin, kahit anong gawin nila kung hindi na tinatanggap ng katawan natin, wala rin pong mangyayari. So, para tanggapin ng katawan, kailangan natin ang exercise, diet, enough rest lalo na kung tulog po tayo, ‘yun ‘yung time na pinagagaling ‘yung body natin. Ang massasabi ko, kahit anong gamot ang gawin ninyo, kung time mo na, time mo na talaga. Kaya, habang nabubuhay, enjoy life to the fullest.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …