Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, pinag­kaguluhan ng mga paparazzi sa Paris

ANG saya-saya naman ng buhay ni Heart Evangelista! Buhay mayaman! Buhay donya!

Dahil bored na bored siguro siya sa maraming walang-kawawaang kaganapan dito sa Pilipinas, nagpasya siyang rumampa-rampa na lang muna sa Paris, France last week. Pasosyal-sosyal na pagsa-shopping na rin siguro.

Inireport ng Preview magazine online ilang araw lang ang nakararaan na na-monitor nila ang Instagram postings ni Heart [@iamhearte] na palakad-lakad  sa isang fashion street sa Paris na naka-pink overcoat. Kinunan si Heart ng litrato ng fashion photographers doon. Ang ilan sa mga litrato n’ya ay na-publish sa Paris magazines na gaya ng Coveteur at  InStyles.

Heart Evangelista Captures the Eyes of the Paparazzi in Paris ang titulo ng report sa Preview website. Ang subhead ng titulong ‘yon ay: Her bright pink coat is turning heads!

Heto naman ang maikli lang na text ng report: ”’Coveteur’ dubs the look worthy of a spot on their Best of Paris Fashion Week Street Style list;  meanwhile, ‘InStyle’ inc ludes it in a shop-the-trend story that crowns vivid pink as the season’s current favorite color. We agree!”

Ang caption naman na isinulat ni Heart mismo sa unang picture na ipinost niya ay: ”Starting our fashion rounds today. First@schiaparelli @sweet.escape.”

Ang picture ay ‘yun ngang naglalakad siya sa kalye na naka-pink ovecoat, pantalong maong, at sapatos na may takong na payat pero mataas. (“Stilletto” heels ang tawag sa sapatos na ‘yon.)

‘Di malinaw sa report kung kasama ni Heart o hindi sa biyahe n’ya sa Paris ang mister n’yang si Sen. Chiz Escudero. ‘Di rin nabanggit  sa report kung may kasama si Heart o wala sa pagpunta sa Paris.

Wala pang anak sina Heart at Sen. Escudero, kaya maraming panahon ang aktres sa pagpunta sa kung saan-saan—bukod pa sa marami nga siyang perang magagastos. Si Sen. Escudero ang may mga anak sa una n’yang misis at nasa poder nina Heart at Sen. Escudero ang mga bata.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …