PALALAKASIN ng Globe Telecom ang network infrastructure sa pakikipag-partner sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation.
Sa ilalim ng kasunduan ng dalawang kompanya, palalawakin ng Globe ang network nito sa pamamagitan ng pagtatayo ng cell sites sa Shell gasoline stations.
Maglalagay rin ang telco ng GoWiFi hotspots sa mga piling Shell stations.
“This collaboration with Shell is breath of fresh air considering the enormous challenges we encounter in establishing network infrastructure such as cell sites. This also supports our commitment in continuing to build a robust and reliable network for our customers’ expanding data needs,” pahayag ni Globe President & CEO Ernest Cu.
Paliwanag ni Cesar Romero, President and CEO ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) at Chairman ng Shell Companies in the Philippines (SCiP), ang pakikipag-partner sa Globe ay sumusuporta sa kampanya at adbokasiya ng kompanya tungo sa pagsulong ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong na makakonekta ang mga tao sa isa’t isa.
“Our partnership with Globe is in line with our vision for nation-building that includes developing smarter cities and smarter infrastructures,” aniya. ”We believe providing better connectivity is a vital component of progress.”
Ang pakikipag-partner sa Shell ay inaasahang makatutulong upang mabawasan ang lumalaking pangangailangan para sa karagdagang telecommunication infrastructure na kinakailangan ng Globe para makapaghatid ng sapat na coverage at kapasidad.
Sa loob ng maraming taon, ang Globe ay agresibong naki-kipag-partner sa mga government institution, gayondin sa mga private sector organization sa layuning mapalawak ang maaabot ng network nito.
“We are constantly seeking ways to improve customer experience, especially in high-traffic and strategic areas. The partnership, which we project will lead to improved mobile servi-ces, is a win-win collaboration for the two companies, benefitting both our customers,” Cu emphasized, adding Globe is hoping to replicate such partnership with other private sector organizations.
Natukoy na ng dalawang kompanya ang 14 Shell stations na gagawing target sites, karamihan ay matatagpuan sa kahabaan ng mga pangunahing lansangan at sa matataong lugar na, anila, ay makatutulong nang malaki sa pagpapabuti ng mobile experience sa mga nakapaligid na lugar.
Nakikipag-usap na rin ang Shell sa GCash para sa pagpapatupad ng cashless payments gamit ang quick response (QR) codes.
Ang GCash ay isang mobile wallet service na iniaalok ng Mynt, isang financial technology company na pag-aari ng Globe, Ant Financial at Ayala Corp.
Noong Agosto nang nakaraang taon ay ipinakilala ng GCash ang scan to pay feature sa GCash App, na maaaring magbayad ang mga customer sa pamamagitan ng pag-scan sa quick response (QR) codes ng merchants gamit ang kanilang smartphones.
Sa pamamagitan ng e-payments ay ligtas at kombinyenteng makapagsa-shopping ang publiko dahil hindi na nila ka-ilangan magdala ng pera.