NATURAL lang na tugisin ng mga awtoridad ang tatlong matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) makaraan maglabas ng warrant of arrest ang hukuman laban sa kanila.
Noong 11 Enero ay naglabas ng desisyon ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 na nag-uutos na dakpin sina Benito at Wilma Tiamzon ng CPP, at National Democratic Front (NDF) consultant Adelberto Silva matapos paboran ang hirit ng Department of Justice (DoJ) na kanselahin ang kanilang piyansa at ibalik sila sa kulungan.
“They will have to serve warrant of arrest on them. Police must hunt them down. That’s what’s expected of them,” ani Roque.
Matatandaan, kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks noong Nobyembre at idineklarang terrorist organization ang CPP-NPA bunsod nang pinaigting na pag-atake sa mga pulis at sundalo.
(ROSE NOVENARIO)