Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy boyband 1:43, F4 ng ‘Pinas

MAY bagong miyembro ang Pinoy boyband na 1:43 na matagal ng binuo ni Chris Cahilig, mga fresh looking na sina Art Artienda, Ced Miranda, Jason Allen Estroso, at Wayne Avellano.

Naikompara ang bagong grupo ng 1:43 sa iconic Taiwanese group na F4 dahil sa kanilang mga hitsura at boses.

Inilunsad kamakailan ang kanilang unang single na Pasensya Na at napapanood ang music video nito sa iba’t ibang music channel.

F4 inspired nga ang 1:43 boyband dahil ang buong MTV ng awiting Pasensya Na ay kinunan talaga sa Taiwan na sinuportahan naman ng McJim Class Leather.

Kuwento ng manager nilang si Chris, ”If they love the song, they will surely get hooked on this visual and auditory treat of a video that we have prepared for them. Sigurado kaming makare-relate lahat sa ‘Pasensya Na’ as most of us at one point in our lives have been martyrs of love and slaves to our emotions.”

Kuwento ng apat na miyembro ng 1:43, maraming nakare-relate sa lyrics ng Pasensiya Na base na rin sa feedbacks sa kani-kanilang social media accounts.

Anyway, kilalanin ang apat na miyembro ng 1:43.

Si Wayne ay isang dating Med-Tech sa Winnipeg, Canada na nagdesisyong bumalik sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pangarap na maging musikero. Ayon sa binata, musika ang nasa puso niya at hindi ang pagiging Med-Tech. Hmm, hindi kaya gusto lang din niyang makita lagi ang celebrity crush niyang si Sarah Geronimo?

Sa sari-sari store naman nakita si Art, ”bumibili lang ako ng energy drink tapos tinanong ako ni Uncle (Chris) kung gusto kong maging member ng 1:43 then nagtuloy-tuloy na.”

Dating miyembro naman ng grupong Boys Boys Boys si Jason at nang magkaroon ng chance, sinubukan niyang mag-audition para sa 1:43. Sinuwerteng mapili at tulad ni Wayne, ang celebrity crush niya ay ang aktres na si Maja Salvador.

Hindi talaga kumukurap si Jason kapag napapanood na niyang humataw sa dance floor si Maja dahil sobrang hot.

Dating hotelier naman si Ced ngunit mas pinili niyang ipagpatuloy ang  hilig sa pagkanta at nangakong gagawin niya ang lahat para magtagumpay ang bagong grupo ng 1:43.

Ang gaganda ng boses ng 1:43 at matindi ang karisma nila kaya naman marami na kaagad silang followers.

Kinanta rin ng bagong 1:43 band ang Sa Isang Sulyap Mo na original ng dating miyembro 1:43 at ang ganda ng version nila.

Ang 1:43 rin ang kumanta ng traffic hugot song na Trapik Tralala na gustung-gusto namin dahil sakto ang lyrics na nag-viral kamakailan.

Ang 1:43 ay co-managed nina Cahilig at Mario Colmenares ng  Primetime Events and Talent Management.

Ang Pasensya Na ay official soundtrack ng short film na Sinturon handog ng McJim’s na umabot na sa million views sa Facebook pages. Mapapanood din ito sa Youtube.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …