Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, walang galit kay Aljur

NABANGGIT ni Aljur Abrenica na sana maging okay na sila ng tatay ni Kylie Padilla na si Robin Padilla ngayong 2018.

Ang sagot ni Robin, “lahat naman kami hopeful, wala naman akong ano (galit) sa kanya (Aljur). Ako’y tatay, lahat ng tatay gusto pakasalan ang anak!

“Eh, ‘pag napakasalan niya anak ko, eh, ‘di wala na kaming isyu. One plus one lang ‘yun, kailangan pa ba niyang pag-isipan pa kung anong problema namin? ‘Yun lang naman wala naman akong… ano sa kanya.”

Eh, balitang si Kylie ang may ayaw na ikasal sila ni Aljur, “hindi ko alam ‘yan. Sa kanila ‘yan. Ako kasi number one akong simbolo ng freedom, so kahit sa mga anak ko, hindi ako double standard kahit nga sa ibang tao, nagtuturo ako ng freedom.

“May kalayaan ang mga anak ko sa gusto nilang gawin, ang sinasabi ko lang kung gusto nilang makuha ‘yung suporta ko, eh, sundin nila ako, ngayon kung ayaw naman nilang kunin ang suporta ko, eh, ‘di ‘wag nila akong sundin. Sinong gumawa ng isyu sa amin.

Samantala, gustong-gusto ni Robin ang apong si Alas dahil bukod sa mabait ay guwapo pa.

“Aba’y ako ang pinakamasaya dahil ang guwapong bata, eh! Nagpunta kami ni Kylie sa isang kasalan natuwa ako, eh. Lumapit siya (Kylie) ibinigay niya sa akin si Alas, buong sermon niyong pari hanggang dulo nandoon lang (kandungan) hindi umalis. Natuwa ako! Sabi ko (sarili) ‘aba, mukhang mas okay ang apo sa anak, ah! (nagtawanan ang entertainment press). Mas behave ang apo,” natatawang kuwento ng aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …