Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
pusong ligaw

Pagtatapos ng Pusong Ligaw, nakakuha pa ng mataas na rating

NAGSASAYA ang buong cast and crew ng katatapos na seryeng Pusong Ligaw noong Biyernes, Enero 12 dahil nakakuha pa rin sila ng 22% kompara sa katapat na programa ng GMA 7 na 14.9% base sa Kantar National TV ratings.

Inabot kasi ng Biyernes bago magtanghali natapos ang taping ng finale episode ng Pusong Ligaw at sabay takbo sa editing para umere naman pagkatapos ng It’s Showtime.

Ang ibang cast ng PL ay may ibang ginagawa rin bukod sa serye kaya lagare sila tulad nina Diego Loyzaga at Sofia Andres na sume-segue sa shooting ng Mama’s Girl handog ng Regal Films na palabas na bukas mula sa direksiyon ni Connie Macatuno.

At dahil maganda ang samahan ng cast ng PL ay may mga bagong project kaagad sila.

pusong ligaw

Say ng taga-production sa amin, “sa totoo lang po, gusto ulit naming makatrabaho ang ‘Pusong Ligaw’ stars kasi hindi sila naging pasaway, walang sumakit ang ulo sa amin. Lahat sila professional kaya isa rin sa dahilan kaya nagtagal ang show kasi maganda ang samahan ng lahat, well siyempre kasama na ang mataas na ratings.”

Hmm, napapa-isip kami na kapag walang masyadong offer o hindi nasundan kaagad ang huling project ng isang artista ibig sabihin hindi siya type katrabaho?

Ganito rin kaya ang nangyayari sa mga artistang hindi nagtatagal sa isang programa na pinapatay kaagad ang karakter dahil naging pasaway?

“Hindi naman sa ganoon, baka lang kasi may conflict sa work kaya hindi nagtatagal sa isang show o baka naman ini-request din mismo ng artista na sandali lang siya kasi may iba siyang gagawin, kaya nga may tinatawag na cameo role,” paliwanag sa amin.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …