Monday , December 23 2024

Sylvia, kayang makipagsabayan sa mga youngstar

GRABE kung hindi pa dahil sa pelikulang Mama’s Girl ay hindi pa makikita ng publikong kaya ni Sylvia Sanchez na magbihis mayaman at makipagsabayan sa youngstars ngayon pagdating sa hitsura.

Bukod pa sa ang fresh tingnan ngayon ni Ibyang, ”ha, ha, ha Beautederm ‘yan,” masayang sambit ng aktres.

Oo naman, simula noong gamitin ni Sylvia ang Beauterm products ay maraming nakapansing naging young looking, tama po ba Ms Rei Tan?

Going back sa nakasanayang karakter ng aktres sa mga teleserye niya na laging mahirap, losyang, umiiyak-iyak na walang katapusan at api-apihan tulad nitong umeereng seryeng Hanggang Saan na mahirap na naman at nakulong dahil sa ginawang krimen.

Kaya nagpapasalamat ang aktres kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo dahil binago nila ang nakagawiang karakter ni Sylvia sa mga nakaraang TV at movie project niya.

“Thank you sa Regal Films kasi nagtiwala sila sa akin sa ganitong role. Pero okay lang din maging losyang na mahirap kasi roon naman ako napansin.

“At saka kasi nga jologs ako magsalita at kumilos kaya siyempre kung anong bagay at madaling role sa akin ‘yun ang ibibigay nila na okay na okay talaga sa akin.

“Pero siyempre, habang nagkaka-edad ka na maiisip mo na ring, time to reinvent ‘di ba, kasi baka magsawa ang tao na paulit-ulit ang role ko na mahirap, tatanungin nila anong bago? Maski may bago naman talaga sa pagiging mahirap at losyang ko kasi maraming karakter pa ang gusto kong gawin.

“Sumugal sa akin ang Regal, sina direk Connie (Macatuno) at sinabi nga baguhin ko hitsura ko, natuwa ako kasi may bago akong ipakikita sa ‘Mama’s Girl’,” masayang kuwento ni Ibyang.

Samantala, palaisipan sa lahat kung ano ba ang kuwento ng Mama’s Girl dahil napansin na tila may malaking twist sa karakter ni Sylvia bilang cool at supportive mother ni Sofia Andres.

May nagtanong sa aming Blogger, ”patay na ba si Sylvia sa movie? Kasi ‘yung sa trailer na nakasakay siyang bigla sa likod ng kotse? Parang palaisipan sa amin? I still don’t know the twist pero parang ganoon?”

Binanggit namin ito kay Sylvia dahil curious din kami kung ano ang papel talaga niya sa Mama’s Girl.

“Hindi ako multo roon, ano ‘yun? Sa buong movie nandoon ako,” katwiran sa amin.

Pero inamin ni Ibyang na may twist nga ang kuwento na ikagugulat ng lahat at nagsabi na  magdala ng malaking panyo o bimpo kapag manonood ng Mamas’s Girl sa Nobyembre 17 dahil tinitiyak niyang babaha ng luha sa loob ng sinehan.

Balik-tanong namin, ’puro iyakan ang ‘Mama’s Girl’? Bakit parang comedy naman sa trailer,’ ”panoorin mo na lang. Siyempre hindi naman lahat ipakikita sa trailer para may suspense,” say sa amin.

Ang Mama’s Girl ay mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa na idinirehe ni Connie Macatuno at ipinodyus ngRegal Films. Kasama rin sa pelikula sina Jameson Blake, Yana Asistio, Allora Sasam, Karen Reyes, at Diego Loyzaga.

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *