Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi pa ako handang magmahal muli — Angelica (Nag-hire ng private investigator; cellphone, may tracker)

MARAMING pasabog na kuwento si Angelica Panganiban. Inamin niyang nagsilbi siya sa mga nakaraan niyang nakarelasyon pero iniwan din siya.

Nakare-relate siya sa kanyang role sa Ang Dalawang Mrs. Reyes. Nagawa niya kasi sa pelikula na i-foot spa at sayawan ang kanyang partner na si JC De Vera.

“Oo, bumili rin ako talaga ng pam-foot spa,” lahad niya na tumatawa.

“Ganoon talaga ako… kaya  AYAW ko na,” madiin niyang sambit.

Pero seryoso niyang dugtong, ”Ayaw ko namang tumigil sa pagiging ganoon.Gusto ko pa rin namang magsilbi sa taong karapat-dapat. Ayaw ko namang ma-trauma. Siyempre, may pag-iingat na lang this time pero ayaw kong dumating sa point  na magsisi ako na ..bakit dito hindi ko ibinigay?Ayaw kong sabihing mali pero roon sa mga past mo, eh, ito ang ginawa mo, mas napagsilbihan mo sila, mas naibigay mo tapos itong wala namang ginagawang masama sa ‘yo, eh, sobra kang naghu-whole pack. Ayaw ko namang umabot sa ganoon kaya masasabi kong hindi pa ako ready (magmahal ulit). Kasi siyempre, ang dami kong takot. Takot pa ako ngayon kaya ‘pag nagmahal ako ay kaya ko na ulit,” deklara niya.

Pero mariin niyang sinabi na kung ang title ng pelikula ay Ang Dalawang Mrs Cruz ay hindi niya tatanggapin.

“Kasi mamimili sila..ako o ‘yung title?,” bulalas niya sabay ngiti.

”Oo, so, kung ‘yun ang title…  baka nga ‘yun ang unang title, eh, uy si Angelica kaya ang kunin natin..hala Mrs. Cruz ‘yung gagawin natin puwedeng Mrs. Reyes na lang, eh, ‘di natanggap ko agad. Title pa lang ang ganda na, walang bahid,” pakli pa niya na tumatawa .

Angelica Panganiban

NAG-HIRE NG PRIVATE
INVESTIGATOR; CELLPHONE,
MAY TRACKER

IBINULGAR din ni Angelica na sa past relationship niya ay na-experience niya na mag-imbestiga, ‘yung pati resibo ay tinitingan, na-experience niya ‘yung tracker sa cellphone, umabot din siya na nagpa-hire na siya ng private investigator kasi nahuli siya na sumusunod.

“Nagpa-hire kaya ako pero matagal na ‘yun. Mahal pala ng mga ‘yun. may mga hundred  thousand pero matagal nilang susundan, hangga’t may makuha silang pruweba. ‘Yun bang Ma’am ano final na ba ito? Matagal na ‘yun…,” hirit pa niya.

“Umabot ako sa ganoong katangahan tapos minsan, o..nahuli ako sa kusina. Hindi kasi ako mapakali, ilaw ng ilaw ‘yung cellphone. Parang may nagte-text sa kanya, e! Kinuha ko ‘yung cellphone, nagpunta ako sa kusina, tinitingnan ko ‘yung cellphone basa..basa. may babae ka, may babae ka talaga.

“Tapos, sabi niya pssst..ano ginagawa mo riyan? Sagot ko, bukas kasi ‘yung gasul pinapatay ko.Ginagamit kong ilaw ‘yung cellphone mo,” kuwento niya sabay bungisngis.

Kasama ni Angelica sa Ang Dalawang Mrs Reyes sina Judy Ann Santos,, JC De Vera, at Joross Gamboa.Showing ito sa January 17 mula sa Star Cinema, Quantum Films, at Idea First Company.

TALBOG!
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …