Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daing ni Robin sa Kapamilya: Pinaglalaruan nila ang katawan ko

PAGKATAPOS ng Q and A ng bagong teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso ay nakausap ng ilang entertainment media si Robin Padilla tungkol sa isang contestant ng Pilipinas Got Talent Season 6 na Koreano na ipinahiya raw niya sa national television. Marami ang nagalit sa ginawa niyang ito.

Hindi kasi marunong magsalita ng Tagalog ang contestant kaya pinagsabihan siya ni Robin na umere nitong Sabado, Enero 13.

Base sa paliwanag ni Robin, ”wala akong pinagsisisihan (na-bash siya) kasi ako pumupunta rin sa ibang bansa at ‘pag pumunta ako sa ibang bansa, pinipilit kong malaman kung ano ‘yung salita roon. Kasi bisita ka roon, ikaw ‘yung makikibagay.  

“Kung pupunta ka rito sa Pilipinas at uutusan mo kami at ii-Ingles mo kami, eh, baka nagkakamali ka kasi bayan ko ‘to! Bayan ko ‘to at handa akong mamatay anytime para sa bayan ko.  

“Kaya kung sasabihin mo sa akin na sampung taon ka na rito at hindi ka pa rin marunong mag-Tagalog, aba, eh, may problema ka, hindi mo puwedeng sabihin sa akin na mahal mo ang Pilipinas! Sabi niya, mahal niya ang Pilipinas, may girlfriend siyang Filipina pero hindi siya marunong mag-Tagalog?

“Hindi ko naman siya inaway, sinabihan ko lang siya na parang tatay niya. Sabi ko sa kanya, ako para akong tatay mo, tandaan mo. Mayroon akong kilala ritong Korean, si Ryan Bang, ang galing mag-Tagalog, mas magaling pa sa akin mag-Tagalog.’ ‘Yun lang naman, advise lang naman sa kanya.

“Sa mga nagagalit na netizens, eh, ganoon talaga, eh, ‘di mahalin nila ‘yung Korean kung gusto nila! Wala namang problema sa akin ‘yun, magpakamatay sila sa Koreano kung gusto nila.”

Nabanggit na may contestant naman dati sa PGT5 na hindi naman pinagsalita ng Tagalog ni Robin, ”iba ito, eh, sampung taon nandidito sa Pilipinas. Kung tayong mga Filipino na hindi magiging patriotic sa bansa natin, eh, ‘wag tayong humingi ng pagbabago!  

“Kung tayo ay mananatiling alipin ng dayuhan, eh, kayo na lang. Hindi ako magpapa-alipin sa dayuhan, sa bansa ko? Hindi mangyayari ‘yun. Ako ang hari rito dahil bansa ko ito. Ngayon kung nasa Korea tayo, eh, ‘di (sign ng love) ganoon,””  paliwanag ulit ng aktor.

Napanood namin ang nasabing episode ng PGT at inuutusan nga ni Jiwan na itaas ang kamay ni Robin na sinabi naman ng hurado na gagawin niya basta’t magsalita siya ng Tagalog dahil nga Pilipinas Got Talent ang sinalihan niya.

Naging matigas si Jiwan at nasabi niyang hindi siya marunong mag-Tagalog dahil sa international school siya pinag-aral ng magulang niya.

Pero bago matapos ang stint ni Jiwan ay pinilit na rin niyang magsalita maski nauutal at saka lang siya kinausap ni Robin at sa katunayan ay humanga pa siya sa magic na ginawa ng Koreano at pinasalamatan pa dahil sa pagmamahal nito sa girlfriend niyang Filipina.

Going back to Sana Dalawa Ang Puso ay natagalan bago nakasagot si Robin dahil nagsu-shooting siya noon ng Bad Boy 3 nang pinatatawag siya ng Starcinema executive na si Ms. Malou Santos.

“Ang tagal kong pinag-isipan ‘yun! Kasi kapag bumalik ako ng Manila, hindi na matutuloy itong project na ito sigurado. Eh, siyempre nahiya rin naman ako kay Ma’am Malou.”

Nagkatawanan pa ang lahat sa kuwento ni Binoe, ”hirap na hirap ako sa buhay ko sa ABS (tawanan ang lahat), totoo!  

“Noong ‘Bad Boy 3’, ang laki ko, sabi nila (ABS CBN management) magte-taping na, magpapayat ako kasi sabi nila si Jodi (Sta. Maria) maliit, so kailangan kong magpapayat.

“Nagpapayat naman ako, nakaka-dalawang linggo palang kaming taping (Sana Dalawa ang Puso), sabi nila ‘uy medyo mag-gain ka ng kaunting weight kasi magsu-shooting kayo ni Ma’am (Sharon Cuneta-‘Unexpectedly Yours’), pinaglalaruan nila ‘yung katawan ko. Totoo nga, hindi ako nagbibiro, taba-payat-taba-payat, hindi naman na ako bata.”

Pero nagpapasalamat pa rin si Robin dahil makakatrabaho niya sina Jodi at Richard Yap na challenging sa kanya dahil nga nabuo na ang tambalang Jo-Chard loveteam.

Mapapanood ang Sana Dalawa Ang Puso bago mag-It’s Showtime na makakapalit ng Ikaw Lang Ang Iibiginnina Gerald Anderson at Kim Chiu.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …