AMINADO si Carlo Aquino na nakaramdam siya ng depresyon noong panahong bakante siya at walang project na dumarating. Hanggang bumalik siya sa Star Magic at ABS-CBN 2 kaya sumigla ulit ang career.
Halos sumuko siya noon at pumunta na lang sa Amerika para magtrabaho. Noong mga panahong ‘yun ay breadwinner siya. Pasalamat din siya na hindi umalis dahil nabigyan siya ulit ng sunod-sunod na proyekto ng Kapamilya Network.
Pati endorsement ay nabiyayaan siya dahil kasama siya sa Beautederm family ni Ms. Rhea Tan.
Actually, may meet and greet siya kasama si Matt Evans sa grand opening ng BeauteLAB by Beautederm sa January 18, 4:00 p.m. sa Farinas Trans Terminal, AH Lacson Avenue, Manila.
Na-realize ni Carlo na lumaban at hindi magpatalo sa mga dumarating na pagsubok sa buhay at career.
TALBOG!
ni Roldan Castro