Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Health card ni Kris, malaking tulong sa masa 

MALAKING tulong ang bagong health card na ieendoso ni Kris Aquino dahil applicable ito sa masa.

Kuwento ni Kris sa bagong health card, ”It’s a prepaid card na binayaran mo for P2,000 for the entire year at ang coverage ay P150,000 in any emergency room at any hospital. ‘Di ba kasi ang nangyayari is that there’s a law in an emergency room you cannot be turned away but the what they’ll do is stabilize you and send to any government hospital.  But now with this (health card) you will have P150,000 na coverage.

“When they were explaining this to me, sabi ko, ang daming employees, siyempre may Philhealth pero ang laking tulong nito kasi like mga driver ko, nagmomotor, ‘di ba. Any unforeseen accidents so right away may coverage na P150,000. So hindi ka mamamatay kasi may ipakikita kang card and it’s only P2,000 a year.

“’Di ba hindi mo naman masasabi like naaksidente ka, nabalian ka, talagang ‘yun ‘yung malaking gastos. So, kung mayroon ka nitong prepaid card, at least panatag ka na kukuha ng panggastos. Kaya dapat nasa wallet mo lang na at least anuman ang mangyari kasama pati gamot.”

Nabanggit din Kris na malaki ang epekto sa negosyo niya ang bagong Train Law na nilagdaan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong nakaraang taon.

Mahal kasi ang gasolina at diesel na ginagamit ng KCA company para sa Potato Corner and Nacho Bimby food business niya dahil araw-araw itong idini-deliver sa 10 branches niya sa Metro Manila.

Kaya sa tanong namin kung planong pasukin din ni Kris ang negosyong may kinalaman sa transportasyon.

“Mahal ang gasoline,” saad sa amin.

Natanong ang tungkol sa sinosyo niyang taxi sa LBR transport group na pag-aari ni Luis Manzano.

Nagulat kami sa sagot ni Kris na, ”hindi na ako Angel Investor, hindi na Angel kay Luis, ha, ha, ha.”

Ano ba ‘yung sinabing Angel investor?

“Eh, ‘di ba kay Luis ‘yun? Noong nag-a-ano (nag-uusap) kami, kaya hindi na nga ako Angel Investor ngayon, Venture capitalist na lang, yeheey,” tumatawang sabi sa amin.

Oo nga naman, hiwalay na kasi sina Luis at Angel kaya nawala na ang terminong Angel Investor.

Magkasosyo pa rin ang Queen of Online World and Social Media at ang Best Male TV host ng ABS-CBN sa LBR Transport.

”Mayroon lang akong inano sa kanila (invest money), at mag-fully paid sila by March 2020. Sila (Luis) ang nag-expand, 220 (units) na yata, ‘yung may pink taxi, ‘yun. So, I’m not an Angel investor now, I’m a venture capitalist, oh!,” tumatawang sabi ng Queen of Online World and Social Media.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …