Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, inabot ng 4.4 lindol sa SF 

MABUTI na lang at nasa loob na ng bahay nila sina Vice Ganda at pamilya nito sa San Francisco Bay Area, USA nang magkaroon ng lindol na umabot sa 4.4 magnitude na tumagal ng sampung segundo base sa report ng NBC News.

Bale ba ang saya-sayang ipino-promote pa ni Vice ang pelikula nila nina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla na Gandarrapiddo The Revenger at pinasasalamatan ang lahat ng nakapanood na.

At pagkalipas ng 20 oras ay nag-tweet na si Vice ng, “O my God ang lakas ng lindol dito sa San Francisco. Kala ko may multong yumugyog ng kama ko. Nakakastress!!! Lord keep us safe.”

Pawang panalangin ang ipinaabot ng followers ni Vice sa kanya at pag-iingat.

Nag-text kami sa kampo ni Vice at tinanong kung okay naman na sila sa Sanfo, “yes okay naman sila.”

As of now ay ini-enjoy pa ng Unkabogable Phenomenal Star ang bakasyon niya sa Amerika kasama ang mother dear niya at mga kaanak dahil pagbalik niya ng Pilipinas sa Lunes, Enero 8 ay back to work na naman siya lalo’t nagsimula ng umere ang Pilipinas Got Talent Season 6 ngayong gabi at bukas.

Bagama’t hindi pa rin naglalabas ng figures ang Metro Manila Film Festival kung magkano na ang kinikita ng mga pelikula ngayon ay marami na ang nagsabing nasa P500-M na ang Gandarrapiddo The Revenger kaya panay ang pasalamat ng TV host sa lahat ng sumuporta.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …