Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, dinala ang pamilya sa HK

AT para sa kaalaman ng lahat, nagkasama sina Kris Aquino at Kim Chiu, sa seryeng Kung Tayo’y Magkakalayo (2010) bilang mag-ina na hindi magkasundo dahil magkaiba ng pananaw sa buhay.

Puring-puri ni Kris si Kimmy (tawag kay Kim) noon dahil sa pagiging propesyonal nito, kuwento nga ng TV host noon sa programang The Buzz, “hindi biro ang matatapos ka sa trabaho or shooting ng 4 in the morning tapos magre-report na kailangan fresh na fresh ka at alive ang utak mo sa teleserye at 9:30 or 10 in the morning and then all the way ‘yan until the next day. Marunong siya talagang mag-alaga sa mga kapatid niya. Halos lahat napagtapos na niya ng college. She takes care of her grandmother and what I can see about her also is that she treats it like a job. That’s why the professionalism is there and that’s why you know she really has a long, long way to go.”

Kaya pati ups and down ni Kimmy sa love life ay saksi si Kris kaya nakiiyak din siya noong nahiwalay ang aktres kay Gerald Anderson na ngayon ay sobrang okay na sila at magkasama pa sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.



Sabi nga ni Kris, hindi nagbago ang friendship nila ni Kim maski nawala na siya sa Kapamilya Network at lagi ring dumadalaw ang huli sa ate Kris niya.

Speaking of Kim, balik-Pilipinas na siya at sa bahay niya sa Quezon City niya sinalubong ang 2018 kasama ang tatay at mga kapatid, “let’s all welcome 2018 with a BIG smile and positivity!!! HAPPY 2018 everyone!!!! thankful for the gift of family!”

At nitong Martes, Enero 2 ay dinala niya ang pamilya sa HongKong na base sa litratong post niya sa IG account ay, “Family time well spent! First time to travel with my kuya and papa! First timer in hongkong @williamchiujr  ha ha and papa after 15 years! thank you @accesstravelph for fixing our trip! #mylife #myinspiration #GIFTofFamily.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …