Monday , December 23 2024

Ang Panday, kompletos rekados; Rated G pa ng MTRCB

HINDI pa namin napanood ang Meant to BehHaunted Forest, Siargao, at Gandarrapiddo The Revenger Squad kaya as of now ay masasabing puwedeng mag-number one ang Ang Panday ni Coco Martin dahil kompletos recados na ang pelikula na nakakuha ng rating na G o General Patronage sa MTRCB.

Pasok sa LGBT dahil kay Awra na sumali sa barangay beauty contest na Ms Mariposa, tadtad naman ng aksiyon na gustong-gusto ng mga kalalakihan with matching effects, at siyempre para sa millennials na paborito ang youngstars na sina Mcoy De Leon at Elisse Joson, para sa mga bagets na fans nina Dang, Paquito, Dexter, at Ligaya at higit sa lahat, sa oldies na kinalakihan na ang pelikula ni Fernando Poe, Jr. simula nuoong 1980’s.

Ang ganda ng black and white na simula ng Ang Panday na hindi namin nakilala ang dating Lizardo na ginampanan ni Arjo Atayde dahil hindi naman ito binabanggit ng aktor na kasama pala siya sa pelikula ni Coco.

Anyway, mortal talagang magkaaway sina Lizardo at Flavio dahil hanggang sa present time ay hindi nilulubayan ng una ang sinumang may dugong Panday sa pamilya ni Flavio.

Naipanganak ni Dimples Romana si Flavio lll (Coco) sa pamamagitan ng komadronang si Jacklyn Jose na gustong patayin naman ni Lizardo kasama ang mga alagad na tiktik pero hinarang sila ni Jeric Raval bilang si Flavio II at nagawang itakas naman.

Dinala ni Jacklyn sa simbahan ang sanggol na si Flavio III (Coco) at muntik pang hindi makapasok sa loob ng simbahan dahil inabutan sila ni Lizardo (Arjo) pero dumating si Jeric (Flavio II) na siyang nakipaglaban sa kampon ng demonyo kaya nakapasok na sa loob sina Jacklyn.

As expected napatay ni Lizardo (Arjo) si Flavio II (Jeric) at nangakong hindi niya tatantanan ang anak nito hanggang sa kabilang buhay nila.

Sa kasalukuyan ay pinalaking maayos at malapit sa Diyos si Flavio (Coco) ng lola nitong si Gloria Romero na nang tumanda at kasama ang lolong si Jaime Fabregas at ang mga alagang bata rin sa Ang Probinsyano.

Tama ang sabi ni Coco, iisang pamilya lang ang turingan nila sa Ang Probinsyano kaya isinama niya halos lahat sa Ang Pandayna may kanya-kanyang magagandang karakter.

Ang ganda ng Divisoria scene ni Coco na hinahabol siya ng mga nakaaway niya at ito ‘yung ikinuwento niya na huwag lilinisin ang daanan dahil gusto niyang makatotohanan.

Ang daming eksena sa Divisoria at hindi madali ito para sa cameraman na walang ginawa kundi sundan ang pagtakbo ni Coco habang nakikipagbanatan.

Aliw na aliw kami sa Hobbit House scene na kinabibilangan naman nina Onyok dahil masyadong makulay at benta tiyak sa mga bata ang fruit salad tree na sinabi ni Coco dahil sa rami ng prutas.

Ang ganda ng eksenang fantasy na Narnia inspired na nakaharap ni Coco sina Albert Martinez at Agot Isidro bilang hari at reyna na matatagpuan ang balaraw na ayon sa kanila ay marami ng sumubok kunin pero walang nagtagumpay.

Nakabibilib din ang acting ni Jake Cuenca bilang kasalukuyang Lizardo na ayon sa kanya ay binigyan laya siya ni direk Coco kung paano iaarte ang karakter niya bilang bagong kaaway ni Flavio III.

Hindi na namin bubuuin ang kuwento para naman may aabangan pa ang manonood at sinisigurado namin, masusulit ang ibabayad ng lahat sa Ang Panday na mapapanood na sa Disyembre 25 mula sa CMC Productions, Starcinema, at Viva Filmsna idinirehe ni Rodel Nacianceno.

JUST LOVE CHRISTMAS
PARTY FOR THE PRESS
AND BLOGGERS,
EFFORT TO THE MAX

AS expected, effort to the max ulit ang ginawa ng buong ABS-CBN Corporate Communication Department sa pangunguna ni Kane Errol Choa kasama ang buong staff niya na hindi na namin iisa-isahin dahil baka may makalimutan kami, eh, magtampo pa sa ginawang Just Love Christmas Party for the Press and Bloggers noong Huwebes, Disyembre 14 sa Dolphy Theater.

Maganda ang konsepto ng party ngayong 2017 dahil lahat ng imbitadong media person ay nakasuot ng Just Love shirts na iba-iba ang kulay na nagpadagdag saya noong gabi kompara sa mga nakaraang taon na iba-iba ang suot at walang pagkakaisa.

Maganda at maayos sa reception palang dahil pagka-pirma ng attendance ay iaabot na kaagad ang give-aways na siniguro talagang lahat nakatanggap at walang umuwing walang bitbit.

Medyo hindi lang kami nag-enjoy sa food dahil walang bagong konsepto dahil ganito rin ang inihahain sa amin kapag may presscons. Sana ginawang Paskong Pinoy tulad ng puto bumbong, puto, bibingka, suman sa latik, kutsinta, bilo-bilo ang desert at ang inumin ay mga tsokolate batirol at kapeng barako na walang cream, hindi ‘yung softdrinks. Pasado rin na may kanin, grilled chicken, pansit (chap chae) dahil may mga ganitong handaan din naman lalo na sa mahilig sa heavy meal. Kinulang naman ang mga prutas dahil marami ang hindi nakatikim na ilang beses sinabing may ‘refill’ pero wala na pala.

Pagdating sa programa ay wala naman kaming masasabi dahil masaya at tuwang-tuwa kami sa Miss Q and A contest at I Can See Your Voice.

Panalo rin ang parapol dahil mas marami ngayon kompara noong 2016, pero sadyang may mga hindi pinalad na manalo kaya maski gaano kaganda ang presentation ng grupo ni Kane, may mga naririnig pa rin kaming reklamo kasi nga hindi sila nag-win maski P2K, pero hindi naman sila umuwing luhaan.

Kompara naman siguro sa ibang nagpa-Christmas party na pinarapol pati ang nakaugalian ng red envelop o pamasahe at kakaunti pa ang prizes. Mas nakababaliw naman siguro ‘yung supposedly give aways na shirt, caps at walang kamatayang mugs ay ipinarapol pa, ano ‘yun?

Anyway, abot-abot naman ang pasasalamat ng Corporate Communication head na si Kane sa lahat ng dumalong taga-media at walang sawang tumutulong sa ABS-CBN ng maraming taon.

Nagpasalamat at nagpa-picture rin ang mabait na ABS-CBN COO na si Ms Cory Vidanes sa lahat na taon-taon naman niyang ginagawa ito.

Happy Holidays sa lahat!

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *