GUSTONG linawin ni Jericho Rosales ang common connotation ng tao kapag nakasuot ng bikini ang mga babae sa dagat ay gusto lang magpa-sexy, ipakita ang katawan o kaya nang-aakit.
Ayon kay Echo, “‘pag nasa beach ka, ang pagsusuot kasi ng bikini nasa konteksto lang ‘yan. If you’re at the beach, then there’s no problem kung mag-two-piece ka. It’s difficult for someone who is very conservative para mag two-piece who doesn’t actually (wear) two-piece, mahirap umarte.
“‘Pag nilagyan mo ng malisya ‘yung bikini then uncomfortable na ‘yung surrounding, if you’re at the beach, you’re not gonna wear suit, ang costume sa beach mostly surfers, boardshorts na nahuhulog na, halos nakikita mo na ‘yung puwet. But there’s a reason why they’re wearing like that, we need to be loose pagdating sa surf board. So, I just wanna correct that notion na kapag nag/two-piece ka, malaswa or something or nagpapa-sexy ka na.
“Whether you have a great body or a normal body, whatever age you’re in, you can wear bikini, I can wear bikini if I wanted to (biro ng aktor). Kung may role ako na naka-bikini ako, gagawin ko.
“Kaya I don’t want to miss this to clarify, kasi kaming taga-beach, that’s our uniform, two-piece, bikini and everything. And para sa akin, it’s the perfect timing, the perfect location to shoot ‘Siargao’.”
Sa grand presscon kasi ng pelikulang Siargao na idinirehe ni Paul Soriano mula sa sariling produksiyon na Ten17 ay natanong ang tungkol sa pagsusuot nina Erich Gonzales at Jasmin Curtis Smith ng bikini.
Ang ganda-ganda nga naman ng dalawang leading ladies ng aktor sa pelikula mala-foreign film ang dating kaya naniniwala ang lahat na makasusungkit ito ng awards sa Metro Manila Film Festival Awards night.
PAGKIKITA
NINA ECHO AT HEART,
WALANG ILANGAN
ISA pang klinaro ni Echo ay ang pagkikita nila ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista-Escudero sa isang event.
Ipinost ng TV host na si Tim Yap ang litratong nilagyan niya ng caption, “Two old friends meet again at the Rimowa dinner #aluminumoriginal.”
Sabi ni Echo, “It’s not the first time that we’ve seen each other. It’s not like I’m going to dodge any question about that. I can see her, say hello. It’s done. Past is past. We’ve moved on. We are mature people. It’s a different life. It’s a different world.”
At in speaking terms din sina Heart at asawa ng aktor na si Kim Jones.
Dagdag ng aktor, “my wife is so amazing because she is really cool. They were actually chatting, silang dalawa. Heart is really cool also. I feel so happy. It wasn’t an awkward evening or anything. It’s how mature people handle things.”
JEN, ‘DI TINANGGIHAN
Samantala, hiningan ng komento si Jericho sa hindi pagkakatuloy ng movie project nila ni Jennylyn Mercado under Quantum Films na may titulong Almost Is Not Enoughna entry din sa 2017 MMFF na ididirehe ni Dan Villegas.
Naisumite na sa MMFF committee ang nasabing script nina Atty. Joji Alonso pero noong sisimulan na ang shooting ay umatras na ang aktor.
”I’m not fit to work on the story, on the project and I hope that I can get to work with them again next time,” paliwanag ni Jericho sa ginanap na Siargao presscon sa STKD Zeppelin, Brixton Street, Bgy. Kapitolyo, Pasig City ay,
Sabi pa, “I wasn’t fit to work on that film noong time na ‘yun. Napakalalim ko, napakabigat ng dinadala ko nang time na ‘yun and I needed to digest the entire kumbaga ‘yung pangyayari sa buhay ko.
“Everyday, I miss my father. Everyday, I miss him, I think about him. Mayroon akong kotse na legacy niya, ‘yung jeep ko na hindi ko nile-let go.
“Everytime na magta-travel ako ng naka-motor, every beautiful thing I see, every part of me, everything about me, nare-realize ko na I got it from my father, so I’m okay, I’m okay.
“I understand better now why I’m like this because of my father and my mother. Pero I’m healing, I’m healing. It’s gonna be the first Christmas na wala siya, first New Year. It’s gonna be hard. Pero kaya namin.”
Nilinaw din ng aktor na hindi totoong mas pinili niya ang Siargao dahil ang kuwento ay tungkol sa surfers na malapit sa puso nito.
“Hindi ako namili sa dalawa. I respectfully, politely declined with a proper message to the production, and to Jennylyn, direk Dan and Atty (Joji), I personally apologized,” kuwento ni Echo.
Nang ialok ang Siargao sa kanya ni direk Paul ay hindi naman intended for Metro Manila Film Festival, pero noong nagkaroon ng slot para sa finished films ay doon lang naisip ng direktor na magbakasakaling isumite ito.
“Nagkataon lang na si Paul, nagkaroon lang ng opening, nagkaroon ng chance, we finished filming and he said ‘why not?’, inilagay niya and then a couple of weeks later, nakuha na namin ‘yung news na ‘hey, part tayo ng MMFF’ so I’m really, really happy, but siyempre ako, ‘hey wait, I had to make sure that everything’s okay,” nakangiting kuwento ni Echo.
Deserving din naman talagang isama sa MMFF ang Siargao dahil ipinakita ang kagandahan ng Pilipinas at na puwedeng png-akit ito sa mga turista kapag napanood nila.
Mapapanood na ang Siargao simula Disyembre 25 mula sa Ten17 Productions na idinirehe ni Paul Soriano na magkakaroon ng premiere night sa Disyembre 20 sa Trinoma Cinema.
TAMBALANG PANA,
KINAKIKILIGAN; HALIKAN,
PINAG-USAPAN
KILIG to the bones ang supporters nina Arjo Atayde at Sue Ramirez dahil trending ang kissing scene nila sa seryeng Hanggang Saan nitong Lunes.
Naaliw kaming magbasa ng thread ng PaNa (Paco-Anna loveteam) dahil talagang kinikilig sila habang pinanonood ang Hanggang Saan.
Bukod sa PaNa ay may tumawag na ring ArSue loveteam.
“Kahit ‘di ako nakapanood sa TV pero ‘yung puso ko, sabog na sabog! Si Arjo ba unang naka-kissing scene ni Sue sa na leading man? Sobrang kilig,” sabi ni @jazzie_tagud.
“Masaya ako na si Arjo ang ka-partner ni Sue sa show na ‘to. Pareho silang mahusay sa pag-arte. Mabubuti pa ang kanilang puso,” papuri naman ni @marydanguilan.
Ayon kay Twitter user na si @Raz_Elle, ”Mabuti at nakukuha na nina Arjo at Sue ang kanilang well-deserved breaks. Matagal ko nang hinihintay mag-shine si Sue at alam naman natin kung gaano kahusay si Arjo.”
Mukhang napabilis nga ang relasyon nina Paco (Arjo) at Ana (Sue) dahil nagpasama lang na mamimili sa Binondo ang dalaga para sa kaarawan ng inang si Jean (Teresa Loyzaga) pag-uwi ay ‘sila’ na dahil nga sa kissing scene na ‘yan.
Boto naman ang nanay at kapatid ni Paco (ARjo) na sina Sonya (Sylvia Sanchez) at Domeng (Yves Flores) kay Anna (Sue) at mga kaibigang si Samboy (Nikko Natividad), nanay nitong si Cora (Viveika Ravanes) at yayang si Letty (Ces Quesada). Sobrang tutol naman ang stepdad ng dalaga na si Jacob (Ariel Rivera).
Sa paglalapit ng kalooban nina Paco (Arjo) at Anna (Sue) ang magiging dahilan kung paano malalaman kung sino ang pumatay sa tatay ng dalaga na si Edward Lamoste (Eric Quizon).
Anyway, nagpapasalamat si Arjo dahil finally bida siya at hindi third-wheel, “matagal ko ng gustong makasama si Sue. Naniniwala ako sa pagtatrabaho kasama ang mga taong alam kong may matututuhan ako, ganoon din si Sue.”
Say naman ni Sue, “kahit before po sa interviews ko, sinasabi ko talaga na gusto ko makatrabaho si Arjo. Thankful ako to GMO (Ginny Monteagudo Ocampo) unit for giving me the chance na makasama siya sa show.”
At sa pagpapatuloy ng kuwento ng palabas, panibagong yugto ang haharapin nina Paco at Anna ngayong opisyal na silang magkasintahan. Ngunit ano nga ba ang kahihinatnan ng kanilang pag-ibig sa puntong malaman nila ang sikreto ni Sonya?
Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa Hanggang Saan, tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan