SAMANTALA, hiningan ng komento si Jericho sa hindi pagkakatuloy ng movie project nila ni Jennylyn Mercado under Quantum Films na may titulong Almost Is Not Enoughna entry din sa 2017 MMFF na ididirehe ni Dan Villegas.
Naisumite na sa MMFF committee ang nasabing script nina Atty. Joji Alonso pero noong sisimulan na ang shooting ay umatras na ang aktor.
”I’m not fit to work on the story, on the project and I hope that I can get to work with them again next time,” paliwanag ni Jericho sa ginanap na Siargao presscon sa STKD Zeppelin, Brixton Street, Bgy. Kapitolyo, Pasig City ay,
Sabi pa, “I wasn’t fit to work on that film noong time na ‘yun. Napakalalim ko, napakabigat ng dinadala ko nang time na ‘yun and I needed to digest the entire kumbaga ‘yung pangyayari sa buhay ko.
“Everyday, I miss my father. Everyday, I miss him, I think about him. Mayroon akong kotse na legacy niya, ‘yung jeep ko na hindi ko nile-let go.
“Everytime na magta-travel ako ng naka-motor, every beautiful thing I see, every part of me, everything about me, nare-realize ko na I got it from my father, so I’m okay, I’m okay.
“I understand better now why I’m like this because of my father and my mother. Pero I’m healing, I’m healing. It’s gonna be the first Christmas na wala siya, first New Year. It’s gonna be hard. Pero kaya namin.”
Nilinaw din ng aktor na hindi totoong mas pinili niya ang Siargao dahil ang kuwento ay tungkol sa surfers na malapit sa puso nito.
“Hindi ako namili sa dalawa. I respectfully, politely declined with a proper message to the production, and to Jennylyn, direk Dan and Atty (Joji), I personally apologized,” kuwento ni Echo.
Nang ialok ang Siargao sa kanya ni direk Paul ay hindi naman intended for Metro Manila Film Festival, pero noong nagkaroon ng slot para sa finished films ay doon lang naisip ng direktor na magbakasakaling isumite ito.
“Nagkataon lang na si Paul, nagkaroon lang ng opening, nagkaroon ng chance, we finished filming and he said ‘why not?’, inilagay niya and then a couple of weeks later, nakuha na namin ‘yung news na ‘hey, part tayo ng MMFF’ so I’m really, really happy, but siyempre ako, ‘hey wait, I had to make sure that everything’s okay,” nakangiting kuwento ni Echo.
Deserving din naman talagang isama sa MMFF ang Siargao dahil ipinakita ang kagandahan ng Pilipinas at na puwedeng png-akit ito sa mga turista kapag napanood nila.
Mapapanood na ang Siargao simula Disyembre 25 mula sa Ten17 Productions na idinirehe ni Paul Soriano na magkakaroon ng premiere night sa Disyembre 20 sa Trinoma Cinema.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan