Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub, ‘di mawawala — Vic (maghiwalay man sina Alden at Maine)

NAG-COMMENT si Vic Sotto sa open letter ni Maine Mendoza sa AlDub Nation at sa nangyayari sa kanya ngayon.

“Aba’y ewan ko sa kanya. Itanong mo,” sey  ni Bossing Vic Sotto sa presscon ng kanyang filmfest movie naMeant To ‘Beh na showing sa December 25.

“Hindi ako privy sa mga decision niya, eh. Kung ano man ‘yun, nirerespeto ko. Suportado kita kung anuman ‘yung nararamdaman mo, pinagdaraanan mo,” sambit pa ni Bossing Vic.

Hindi naman niya puwedeng husgahan si Maine.

“Kung ano man ang desisyon niya..hindi naman kasi  ako..wala akong social media kaya hindi ko alam ang nangyayari. Nakiki-update lang ako kay Pauleen (misis niya),” lahad pa nito.

Naniniwala si Bossing Vic na hindi na mawawala ang AlDub kahit ano ang mangyari.

“Wala nang makabubuwag doon. AlDub is AlDub. Bakit ‘yung Guy & Pip, kinalimutan niyo na? Hindi puwede. Nandiyan na ‘yan. Forever na nandiyan na ‘yan. Nakatatak na sa mga puso natin. Hindi mawawala ‘yun,”deklara pa niya.

Hindi ba aalis ang AlDub sa Eat Bulaga?

“Ang alam ko si Alden kasama namin parati. Si Maine, hindi ko alam. I cannot speak for her,” sagot niya.

Kung tuluyang mawawala si Maine sa show, ano ang feeling niya?

“Sayang. Lungkot but the show must go on,” pakli pa ni Bossing.

Anyway, napadako ang usapan sa kanyang pelikulang Meant To ‘Beh. Bakit kailangang unahing panoorin ito sa lahat ng MMFF 2017 entries? Anong meron ang movie niya na panlaban sa pelikula nina Vice Ganda at Daniel PadillaCoco Martin, at Jennylyn Mercado at Derek Ramsay, at sa horror movie ng Regal EntertainmentInc  na Haunted Forest?

“Sana nga sabay-sabay nilang panoorin. First of all, rated G (General Patronage). Ang ibig sabihin ay for the whole family. Kahit anong edad, mga kaedad ni Baste, mga millennial hanggang mga lola at lolo ay mag-i-enjoy sa movie. Kung gusto nila ng masaya, eh, ‘Meant To Beh’ (ang panoorin),” tugon niya.

Masarap panoorin ang pelikula nila ni Dawn Zulueta dahil pampamilya talaga at nakatatawa. Ibabalik nila ang mga value ng pagiging pamilya kahit hindi perpekto, pero nandoon ang pagmamahal.

Bukod dito, napagsama nila ang mga Kapamilya at Kapuso gaya nina Daniel Matsunaga, Andrea Torres, JC Santos, Sue Ramirez, Thou Reyes,  Ruru Madrid, at Gabbi Garcia.

Ito ay sa direksiyon ni Chris Martinez under OctoArts, APT, at M-Zet.

Havey!

MAGDALENO…
WALANG PAHINGA,
ISANG ADVOCACY FILM

TIMING sa buwan ng World Aids Day ang pelikulang  Magdaleno…Walang Pahinga dahil isa itong advocacy movie na ipino-promote ang HIV awareness.

May premiere night ito sa December 8, Friday, 7:30 p.m. sa Cinema 4, Isetann Recto. Huhusgahan ang talent manager na si Sergio ‘Boy’ Pilapil na sumubok na ring magdirehe ng pelikula. Ito ay prodyus ng Royal Bajandi Films.

Magkakaroon din ng sexy fashion show at bikini showdown ang buong cast na pangungunahan nina Mike Sarmiento, Winston De Dios, Chin Chin Corado,Nicole Lopez, Axel Cabides at  ilang models bago magsimula ang premiere night.

Sugod na!

TALBOG
ni Rldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …