Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ari ng lalaki naipit sa dumbbell

TAMA po kayo, naipit sa dumbbell, ngunit mas kamangha-mangha sana kung nagawang iangat o buhatin ng lalaking napaulat ang dumbbell sa pamamagitan ng kanyang pagkalalaki.

Nag-leak online ang mga larawan ng isang German gym fanatic kung paano napasuksok ang kanyang ari sa butas ng binubuhat niyang dumbbell at nagbunsod ito ng imbestigasyon mula sa ospital kung saan siya isinugod makaraang maganap ang insidente.

Makikita sa leaked picture ng biktima na naipit ang kanyang ari sa pabigat kung kaya nag-kulay talong at saka namaga nang doble sa normal na laki.

Matapos mangyari ang insidente, nagtungo ang hindi pinangalanang weightlifter sa kalapit na ospital sa bayan ng Worms, sa western German state ng Rhineland-Palatinate, para ikonsulta ang kanyang problema.

Kinailangan tawagin ng mga medic ang tulong ng fire brigade, na gumugol nang halos tatlong oras sa paggamit ng specialist equipment para mapalaya ang biktima.

Lumilitaw na gumamit ng mga grinder ang mga bombero at maging ang isang vibrating saw para maalis ang pagkakaipit ng ari ng lalaki mula sa dumbbell.

Kasunod nito’y tiningnan ng mga doktor ang kalagayan ng biktima ngunit hindi nagwakas ang problema sa pagkakaalis ng kanyang ari mula sa pagkakaipit dahil malaking kahihiyan ang sumalubong nang malamang kumalat sa social media ang kanyang kalagayan.

Bukod sa mga larawan niya habang nasa ospital, nai-post din online ang sensitive parts ng biktima habang may isang nagpakita ng imahe ng 2.5 kilong dumbbell na nahati sa limang piraso matapos basagin para makalaya ang ari ng biktima.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …