Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bables blind item woman

Kapamilya actress, gustong ligawan ni Christian Bables

PERO hindi itinanggi ng aktor na may gusto siyang ligawan ngayon na Kapamilya actress pero hindi pa niya magawa.
“Wala pa akong lakas ng loob, medyo malaking tao, malaking artista,” sagot ng binata.

Nagkakausap na sina Christian at ang aktres na nagsabing single naman pero mas bata sa aktor bagay na first time mangyayari dahil halos karamihan ng naging girlfriend niya ay malaki ang agwat ng edad sa kanya.

At ang first move na nagawa na ni Christian para mapansin siya ng Kapamilya actress ay, “nag-hi ako sa kanya sa Twitter, o alam n’yo na.”

“Secret na muna ang name basta Kapamilya siya matagal na,” nakangising sabi pa ni Christian.
Ang pagiging mabait o down to earth ang nagustuhan ng aktor sa Kapamilya actress at sinabi naming, ‘halos lahat naman ng tao mabait’ pero kinontra kami.

“Hindi lahat mabait, lalo na ngayong nakatuntong na ako sa (showbiz) industriya natin, dami kong nakitang (ugali) na, ‘ah okay, ganito pala sa totoong buhay.’”

Nakatrabaho na ni Christian ang Kapamilya actress sa pelikulang nagawa na niya kaya mamimili na lang kung alin sa apat.
At nabanggit ding nakilala na ni Christian ang magulang ng aktres at mababait kaya bonus points iyon kaya mas lalong nagustuhan ng aktor ang dalaga.

“Nasa getting to know stage palang kami at nagustuhan ko talaga na mapagmahal sa family,” saad pa.

May isa pang inamin si Christian na isa sa crush niya ay si Julia Montes pero hindi niya kayang ligawan dahil masyadong malaking artista na.

At hirit namin, ‘naku, lagot ka kay Ang Panday.” At sinagot naman kami ng, ”opo, lagot ako kay Panday.”

LA LUNA SANGRE,
NANGUNGUNA PA RIN

PATULOY na pamamayagpag ang La Luna Sangre bilang isa sa mga top rating primetime serye ng bansa.

Nasaksihan ng mga manonood ang pagtigil ng tibok ng puso ni Tristan (Daniel Padilla) noong Biyernes (Nobyembre 3)  matapos siyang bigyan ng virus ni Prof T. (Albert Martinez).

Isang malaking palaisipan tuloy kina Prof T. at Samantha (Maricar Reyes) ang katauhan ni Tristan nang hindi tumugma ang nangyari sa kapwa niya Moonchasers. Ano nga ba ang misteryong bumabalot kay Tristan? Ano kaya ang ugnayan nina Tristan at Sandrino (Richard  Gutierrez) sa isa’t isa?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …