Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Birthday concert ni Hugot King Kiel Alo, kasado na

FOR sure, mapupuno ang super-cute and cozy concert venue na Teatrino located at Promenade, Greenhills this coming November 8, 9:00 p.m. dahil ang balladeer na tinaguriang Hugot King na si Kiel Alo ay magkakaroon ng birthday concert entitled When We Were Young.

First time na magsi-celebrate si Kiel ng kanyang birthday via a musical show na makakasama pa naman niya ang ilan sa mga friend niyang malalaking pangalan sa music industry like Michael Pangilinan, Garie Concepcion, Dessa, Ezekiel Hontiveros and Boobsie Wonderland, under the musical direction of Ivan Lee Espinosa.  

“Sobrang excited na akong kinakabahan. First time ko kasing mag-major show kaya halos hindi ako makatulog sa nerbiyos and excitement. Yes, I’ve been rehearsing my numbers these past days para ‘di ako mapahiya sa mga kaibigan nating manonood.

“Mismong birthday ko talaga ang November 8 kaya talagang double celebration ito. Salamat sa manager kong (Jobert Sucaldito) nagtitiyaga sa akin. Matagal ko nang pangarap na mag-major show and heto na—I will have a first taste of it. Nakailang shows na rin ako in the past pero iba pala ‘pag sa medyo malakihang venue na, ‘no? Kung sabagay, ang Teatrino naman ay cute, hindi gaanong malaki pero nasa high end siya as a concert venue. Kaya nakatutuwa at pinagkatiwalaan ako ng ganitong opportunity. Sana suportahan ninyo ako,” ani Kiel Alo.

Kung matinik ang tenga ninyo, si Kiel Alo ang boses na naririnig sa jingle ng Showbuzz show nina Jobert Sucaldito and Ahwel Paz sa DZMM tuwing 10:30-11:00 p.m. on weekdays. Siya rin ‘yung napakahilig mag-post ng kung anik-anik na hugot lines sa social media kaya tinagurian itong Hugot King.

“Mahilig lang talaga akong mag-play ng mga hugot word. Ganyan kaming magbabarkada kasi, kalokohan lang pero may gustong iparating na mensahe. In real life ay may pagkaganoon nga ako, very passionate and emotional. Minsan naman idinadaan ko sa kantahan. Mas nai-express kong mabuti ang emotion ko thru songs and posts. Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Kiel.

“Masaya ang show na ito kasi napakagaling ng musical director naming si Kuya Ivan (Lee Espinosa). Genius ang taong iyan sa keyboard kaya sobrang bilib kami sa kanya. Plus ang huhusay pa ng mga guest namin sa show kaya there’s no reason para ‘di maganda ang kalalabasan nito. Huwag lang magtakbuhan ang mga daga sa dibdib ko and everything will be alright,” he wishes.

When We Were Young concert is presented to us by Isabela Gov. Bojie Dy, Aficionado Germany Perfume, Quadro Frames and Xentro Malls. Major sponsors include Mr. Neal Gonzales, Mr. Joel Cruz, Mr. Alex Cruz, Mr. Boy Abunda, Biliran (Leyte) Mayor Lorenz Reveldez, Mr. Zaldy Aquino, Ms. Laarni Enriquez and Guiguinto (Bulacan) Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …