Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robert Bolick Clint Doliguez JB Bahio San Beda Red Lions San Sebastian Stags NCAA

Red Lions mapapalaban sa Stags

SASABAK na bukas sa matinding pagsubok ang defending champion San Beda College Red Lions sa 93rd NCAA basketball tournament.

Inupuan ang No. 2 spot ng Red Lions tangan ang 16-2 karta pagkatapos ng 18-game elimination round kaya nakalsuhan ang 11 taong pagiging top seed sa nasabing liga.

Nabigo ang Mendiola-based squad San Beda sa Lyceum of the Philippines matapos walisin ang elims.

Maliban sa No. 1, kumawala sa kamay ng Red Lions ang twice-to-beat advantage na matagal rin nilang ibinubulsa pagpasok ng semis.  

Subalit naniniwala si SBS head coach na malaki ang tsansa nilang masilo ang titulo.

“We nearly won that game, but we didn’t finish it,” patungkol ni Fernandez sa laban nila sa Pirates.

“Na-prove lang namin na we could win this game. We had so many chances, pero ‘di namin na-grab,” wika naman ni Red Lions cager Javee Mocon.

Mapapalaban sa November 7 (bukas) ang San Beda pagharap nila sa second stepladder semifinals laban College.
Knockout ang labanan, haharapin ng mananalo sa pagitan ng No. 4 Stags at Red Lions ang Intramuros-based team LPU.

Gumapang ang Baste, tinalo nila ang No. 3 Jose Rizal University sa first semis stepladder.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

World Surf League WSL PSC

WSL, PSC nagkaisa para sa 2 international surfing events sa PH sa 2026-2027

ANG mga event sa Cloud 9 at La Union ay itinaas sa international status sa loob ng …

AFC Womens Asian Cup 2006 Football

Pilipinas haharap sa Iran sa gitna ng tensiyong political

GOLD COAST, Queensland — Haharap ang Philippine women’s football team sa Iran ngayong Linggo sa …