Sunday , November 3 2024

Runaway OFWs mula UAE binigyan ng US$100

BINIGYAN ng tig-US$100 bawat isang overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Umabot sa 105 repatriated OFWs ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Philippine Airlines kahapon na sinalubong sila ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Raul Dado ng Office for Migrant Workers Affairs ng DFA, ang mga Filipino ay pawang runaways na hindi nakatanggap ng suweldo mula sa kanilang mga employer.

Kabilang sa mga sumalubong sa mga migranteng manggagawa ay sina OWWA administrator Hans Cacdac at DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola.

Laking tuwa ng mga OFW nang isa-isa silang binigyan ng US$100 ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Dado na ang pera ay mula sa pondo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte upang bawat OFW ay may perang dala pag-uwi sa kani-kanilang pamilya.

Dagdag niya, karamihan sa OFWs ay biktima ng illegal recruiters. Sila ay pinangakuang makatatanggap ng malaking suweldo na naging dahilan para pumayag magtrabaho ang mga manggagawa sa abroad.  (JSY)

About JSY

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *