Monday , November 18 2024

Abnormalidad ang LGBT — Indonesian parliamentarian

KASUNOD ng pag-ere sa telebisyon ng isang comedy sa nakalipas na buwan, nakatanggap ng liham ang mga producer ng programa mula sa broadcast commission ng Indonesia na nagbabala sa nakasuot ng isa sa mga male character ng palatunutunan na nakadamit at umaarte na parang babae” dahil maaaring lumalabag ito sa kanilang broadcasting standards.

“We evaluated the show… We immediately reminded our staff to be careful because we are minimizing LGBT content on our network,” pahayag ni Anita Wulandari Prasojo, hepe ng marketing and public relations ng Trans7, ang pribadong estasyon ng telebisyon na umere sa palabas na Opera van Java nitong buwan ng Setyembre.

At maaaring labis ang kailangang gawin ni Prasojo sa darating na panahon bukod sa pagbibigay ng liham at babala.

Ikinokonsidera ngayon ng Indoesian parliament ang isang national legislation na magbabawal sa nilalamang lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) sa mga TV screen sa pagwawakas ng taon.

Babaguhin ng draft bill, na sinuri ng Reuters, ang broadcasting law sa Indonesia na linisin ang content o nilalaman na may ‘LGBT behavior.’

“Broadcasts and advertisements that show ‘lesbian, homosexual, bisexual and transgender behaviour’ would be banned. It does not explicitly define ‘LGBT behaviour’,” ipinapanukala sa nasabing batas.

Ipinaliwanag ng mga mambabatas sa panayam ng Reuters na maaaring ibilang sa pagbabawal ang mga drama na mayroong gay characters, at gayondin ang mga tradisyonal na folk o comedic performance na magkakaroon ng eksena ng cross-dressing o ‘effeminate’ na kalalakihan, bukod sa mga broadcast na kumakatig sa mga karapatan ng LGBT community.

“LGBT is not criminal, but if it enters the public sphere, if it’s broadcast to the public, then of course it must be regulated,” punto ni Bobby Rizaldi, na miyembro ng Indonesian parliament na may kaugnayan sa pagbalangkas ng panukalang batas.

“LGBT is an abnormality,” pagdidiin ng isda pang parliament member na si Hanafi Rais.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *