Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NAIA worst airport no more

BURADO na sa listahan ng pinakamasama at pinakapangit na airport sa buong mundo ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Mismong  sa post ng “The Guide To Sleeping In Airports” isang travel website, nitong 15 Oktubre 2017, ang NAIA ay hindi na kabilang sa listahan ng worst airport sa mundo at sa Asya.

Magugunitang sa kaparehong survey na isinagawa sa nakaraang administrasyon at inilabas noong Oktubre 2016, ang NAIA ay kabilang sa “world’s worst airports” at nasa ikalimang puwesto.

Ang nasabing post ay iniugnay sa isyu ng ‘laglag-bala’ na pangunahing reklamo ng mga biyahero lalo ng mga OFW, ngunit ito ay tinugunan sa loob ng 100 araw na panunungkulan ng administrasyong Duterte.

“Finally hard work bore fruits,” pahayag ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal kahapon.

Malugod na tinanggap ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang nasabing pagkilala sa NAIA, ngunit sinabing simula lang ito.

Ipinaalala ni Tugade, ang DoTr ay hindi dapat maging kampante hangga’t hindi napagbubuti nang husto ang sitwasyon sa NAIA.

“Work, work, work lang. While it is good that we are not listed among the worst, let us work even harder to be included amongst the best,” ayon kay Tugade.

Aniya, “We should be careful that we do not backslide. The show must go on —— and better!”

Inani ng NAIA ang titulong “world’s worst airport” mula 2011 hanggang 2013.

Noong 2014, napunta ito sa ikaapat na puwesto. Hindi rin napabilang sa “top 10 worst airports in the world” noong 2015, ngunit napunta sa ika-8 puwesto sa “worst airport in Asia.”

Apat na Philippine airports muli ang napabilang sa listahan ng “top 25 best airports in Asia” ngayong taon 2017.

Kinilala ang Iloilo International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Clark International Airport, at Davao International Airport.

Kabilang sa mga repormang ipinatupad sa NAIA ngayong administrasyong Duterte ang restriksiyon sa general aviation para iprayoridad ang commercial flights at bawasan ang delays sa flight; pagpapatupad ng five-minute rule, na ang mga piloto na nagdeklarang sila ay handa nang mag-take-off ay kailangan nang umalis sa loob ng itinakdang oras, kung hindi, sila ay ibabalik sa pilahan upang mabawasan ang flight delays at ipatupad ang disiplina sa mga airline; konstruksiyon ng Rapid Exit Taxiways upang mapaalis nang mabilis ang mga eroplano sa runway at mapataas ang flight movements; probisyon sa malinis na palikuran at karagdagang mga upuan, libreng wi-fi, at well-wishers’ area.

Ang regular taxis ay hinayaan nang pumila at kumuha ng mga pasahero sa itinalagang mga lugar sa NAIA terminal upang matugunan ang kakulangan sa taxi units na magsasakay ng mga pasahero.

Gayondin, magmula nang maupo sa puwesto ang bagong administrasyon, walang insidenteng may naiwang pasahero sa flight dahil sa pag-iingat ng bala. Hindi na rin kinailangalan ibalot ng mga pasahero sa plastic o masking tapes ang kanilang bags at luggages.

“We are now focusing on how to eliminate pilferage made by some unscrupulous airport workers and soon we will arrest them and put them behind bars,” dagdag ni Monreal. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …