Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Maraming abusadong dayuhan ang nasa Ph

The traveler sees what he sees, the tourist sees what he has come to see.
— Gilbert K. Chesterton

PASAKALYE:
Hindi na implementasyon ang isyu sa problema sa trapiko kundi pondo para sa pagkakaroon ng epektibong mass transportation system, ayon kay Transport and Traffic Transport Planners Inc., senior consultant Dr. Primitivo Cal sa pagtalakay ng planong modernisasyon ng transportasyon na isinusulong ng administrasyong Duterte sa pangunguna ng Department of Transportation (DoTr).
Sa panayam ng inyong lingkod, nilinaw ng batikang traffic at transport expert na hindi basta kakayanin ng pamahalaan ang malaking gastusin para makapagpatayo ng sapat na highway system at road network bukod sa epektibong mass transportation para malutas ang problema ng lumalalang traffic congestion sa mga lansangan sa Kalakhang Maynila at gayondin sa iba pang urbanized center sa bansa.
Ipinaliwanag ni CAL, na executive director din ng University of the Philippines (UP) Planning & Development Research Foundation, sa hinaharap na mabilis na pag-unlad sa mundo, hindi maisasantabi na mahaharap din ang Filipinas sa mga suliraning dulot ng paglaki ng populasyon, paglago ng ekonomiya at pagdami ng mga negosyo.
Aniya: “We need to focus on alternative because we need to be atune with the developments we face in our surroundings. One way of addressing the traffic problem is to have a mass transportation system similar to what developed countries have.”
SA pagkakahuli ng Australian fugitive na si Markis Scott Turner, a.k.a. Filip Novak makalipas ang mahigit walong buwang pagtatago sa Filipinas, lumilitaw ang kakulangan sa pamamaraan ng pagbabantay laban sa pagpasok sa bansa ng mga ilegal na dayuhan, ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin.
Ipinunto ni Lavin na kung may sapat na monitoring ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat na mga dayuhang dumarating at kasalukuyang nasa bansa, madaling matutunton kung sino sa kanila ang mga fugitive o may kinakaharap na kaso sa kani-kanilang bansa para maiwasang makagawa sila ng ilegal na bagay dito sa Filipinas.
Si Turner ay nahaharap sa kasong drug trafficking sa Australia at simula nang masampahan ng kaso ay nagtago sa Island Garden City sa Samal, Davao City.
Sa pagitan ng Enero 2009 at Mayo 2011, sinasabing nag-angkat sa tulong ng ilang Colombian national ang suspek ng 71.6 kilong cocaine para ibenta sa Australia sa pamamagitan ng kompanya ni Turner na CQE Materials and Handling.
Nang mabuking ang kanilang operasyon, agad lumisan ni Turner para maiwasang madakip at makasuhan sa pamamagitan ng paglalayag sa Australia sa isang yate hanggang makarating sa Mindanao.
Sa mga ulat, marami ngayong mga dayuhang nasa Filipinas ang lumalabag sa batas mula sa kasong overstaying hanggang sa pagkakasangkot sa ilang mga ilegal na aktibidad na sadyang hindi nasisita ng mga lokal na awtoridad dahil sa kakulangan ng pagmo-monitor sa kanila at mga tauhang gagawa nito.
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *