BIRU-BIRUAN sa presscon ng The Barker na pinagbibidahan nina Empoy Marquez at Shy Carlos na baka may namumuong malalim na relasyon ang dalawa bukod sa pagkakaibigan dahil na rin sa tagal ng pagsasama nila habang ginagawa ang The Barker.
Pero mukhang it’s a big No No para kay Empoy ang magkaroon ng GF lalo na’t kabi-break pa lang nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na dalawang taon na ang nakalilipas bukod pa sa ayaw din ni Empoy na magkaroon ng dyowang taga-showbiz.
Dagdag pa ng tinaguriang Pambansang Pogi ng Pilipinas na ang dyowa niya ngayon ay ang pagmamahal sa Diyos. ‘Yun ang totoo!
Gusto muna niyang i-enjoy ang anumang tagumpay na tinatamasa niya ngayon at gusto niyang ibalik ito sa Poong Maykapal.
Bukod pa rito, hindi niya feel ang magkaroon ng girlfriend na taga-showbiz.
Sa ngayon ay nakatutok si Empoy sa promotion ng The Barker na hatid ng Viva Films at Blank Pages Productions na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa Oct. 25 na kabituin din sina Jeric Raval, Jemina Sy, Raffy Reyes, Ronnie Lazaro, Janice Jurado, Nonie Buencamino, at Sylvia Sanchez.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com