Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Cathy, magreretiro na; pangarap na maging maybahay lang, matutupad na

NANG ihayag ni Direk Cathy Garcia-Molina sa presscon ng pelikulang Seven Sundays na magreretiro na siya in two years-time ay marami ang nag-react dahil bakit at ano ang dahilan gayung nasa peak siya ng kanyang career dahil isa siya sa blockbuster director ng Starcinema bukod pa sa mataas ang rating ng mga naging teleserye niya.
At nabanggit nga ni direk Cathy na kaya siya magreretiro ay, ”my family needs me. My kids need me. I have given enough for the business and my company. It’s time I give back my children my time.”
Bagamat nagpaalam na ang direktora ng Seven Sundays sa Starcinema boss ay hindi siya pinayagan pero itutuloy pa rin niya ang plano.
Kaya pagkatapos ng presscon ay kaagad naming nilapitan si direk Cathy na naging kakuwentuhan na namin simula pa noong 2007, One More Chance movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo bilang sina Popoy at Basha.
Anong nangyari direk Cathy, bakit biglaan ang pagre-retiro mo, tanong namin. ”Siguro, nagkataon na nakahanap ako ng bagong partner in life who wants the same. Huwag na nating pangalanan,”  pahayag nito.
Tinanong namin kung bagong pag-ibig ba o ‘yung dati na elementary classmate niya na nagtatrabaho sa isang government agency.
“Bago,” kaswal na sagot ng direktora.
Nabanggit na may suot na singsing si direk Cathy sa nakaraang presscon nito ng My EX and Why’s na siya ang taong nagbigay ng suot nitong singsing at sabay pakitang, ”iyon ‘yun, o ito, infinity (ring).”
Inamin ng isa sa blockbuster director ng Starcinema na isang factor ang pagpapakasal nito kaya rin siya aalis na sa showbiz.
“Oo, parang matagal ko na ‘tong (gusto), parang I believe hindi ko nabigyan ng time ‘yung mga anak ko and they’re growing up, they just turned 12 and 11, and next year teenager na sila.
“And kung hindi ko man sila nasamahan noong formative years, baka sakaling masamahan ko na sila in their adolescent stage, which is very difficult and very problematic to most parents.
“Parang here I am making films about family, making films about love stories, pero hindi ko siya kayang praktisin sa sarili kong mga anak,” gumargal na boses ng direktora.
Sabay sabi pa, ”so sabi ko, maybe it’s time. I have given enough. Parang more than half of my life I have given to the industry. Maybe it’s time I’ll give back.”
Sabi namin kay direk Cathy na maging practical na kung aalis siya ay paano ang kabuhayan dahil hindi naman ganoon kadali ang mamuhay sa ibang bansa.
“Sabi niyong aking partner, siya ang bahala sa amin because the only dream I had is open naman ako rito, is just to be a housewife and a mother. Never ko ‘yung naabot.
“Ngayon someone is going to give it to me,” katwiran nito.
At sa tanong namin kung single ang future husband niya, ”yes single, very much single.”
Alam ng fiancé ni direk Cathy ang papasukin niyang obligasyon sa kanilang mag-iina.
Pero nabanggit din na posibleng ma-delay ang pag-alis dahil may responsibilad pa ang direktora sa ABS-CBN, ”may contract is up to February 2019 and I’m not open to renew the contract, but according to Inang (Olive Lamasan) and tita Malou (Santos) parang sinasabi nila na once a year (gagawa ng pelikula). Kasi nga gusto ko sa New Zealand.”
Bagamat nagsabi ang partner ni direk Cathy na bubuhayin silang mag-iina ay hindi naman siya aasa na lang din.
“Sa isang single parent na tulad ko, ayoko mag-rely doon sa partner ko lang getting older it’s hard and it’s hard getting older here (Pilipinas), eh, ang babata pa ng mga anak ko.
“Hindi ko naman sinasara (pinto), eh. If I retire, it doesn’t mean I’m not gonna come back.
“Kaya lang kasi, for as long as what-if lang siya sa akin, lagi kong iisipin na it’s a better choice. So gusto kong i-live ‘yun o i-try. And then maybe, sabihin ko, ‘Ay hindi pala ako para rito, I wanna go back,” esplikang mabuti ni direk Cathy.
Bakit sa New Zealand? ”Tahimik,” saad nito.
Roon ba naka-base ang partner o may business sila roon? ”Wala. Ang ate ko, nakatira roon, tapos siya nagsabi ng buhay. So last year, my kids and I went there to see and we loved it there,” pahayag pa ni direk Cathy.
Inaayos naman na ni direk Cathy ang kanilang papeles pero hindi lang tutok kasi nga nandirito pa siya at abala sa mga trabaho.
Kinulit namin kung ano ang trabaho ng partner ni direk Cathy, ”pag sinabi ko malalaman n’yo na, taga-rito (ABS-CBN) kaya huwag na at saka ayaw kong magkaroon ng isyu kasi baka isipin na ginagamit ako because I’m a director. Hindi naman na siya secret sa iba. He’s a very private person, very simple person and he loves my kids. At ako humiling sa kanya na gusto kong maging housewife.”
Hindi itinanggi ni direk Cathy na mas younger sa kanya ang partner niya at binatang-binata pa at sobrang kasundo ng mga anak niya, ”they adore him.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …