Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Natagalang gumawa ng pelikula dahil sa pagiging overweight 

Anyway, natanong si Aga kung bakit inabot siya ng anim na taon bago muling gumawa ng pelikula.
“It’s my being overweight! I struggled for how many years losing weight dahil nagpahinga talaga ako. Every year na may nag-o-offer sa ‘kin ng love story, parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya na lumabas na leading man na ganitong hitsura ko, dahil hindi ko gagawin ‘yun.”
Sa pelikulang Seven Sundays ay kuwento ng magkakapatid na sina Dingdong, Cristine, at Enrique na may kanya-kanyang kuwento sa buhay at si Aga ang panganay sa apat at siya ‘yung medyo napag-iiwanan na dahil sa probinsiya sila nanirahan ng pamilya niya.
Kinailangan nilang magsama-samang magkakapatid dahil dying ang tatay nilang si Ronaldo.
Isa pang dahilan kaya tinanggap ni Aga ay hindi niya kailangang magpa-payat sa ginampanan niyang karakter.
Sabi ng aktor, ”when the script was offered sa akin, sinabi sa akin na ‘you don’t have to lose weight. You’re okay’.
“But if you want to diet along the way, then go ahead, but the character doesn’t ask for that.
“Of course, nag-start naman ako mag-dyeta rin, but ako magda-diet ako if I’m pushed against the wall. If you really watch the movie, makikita mo talaga, maputing buhok, malaki ang tiyan. Parang napag-iwanan talaga.”
Si Donita Rose ang gaganap na asawa ni Aga sa Seven Sundays na mataba rin.
“Si Donita was pregnant, buntis siya sa pelikula. May tatlo na kaming anak at pang-apat na ‘yan. I gave up everything just to take care of my family and our business,” saad ng aktor.
May maliit na grocery store sina Aga at Donita na pinagkukunan nila ng pang-araw-araw na gastusing pamilya.
Sa kuwento ng Seven Sundays ay dying ang tatay nilang si Ronaldo kaya tinanong si Aga kung may karanasan ba siyang tulad ng karakter nila.
“When my mom died in 2008, namatay siya ng cancer, she was 56 years old and (very) young. Ako naman, in real life really, mayroon akong acceptance with death. Death sa akin is parang part of life, when someone goes, it’s their time, I cried but hindi ko dinala, hanggang ngayon hindi ko dala-dala. So mayroon akong ganoon.
“Basta sa sarili ko nakahanda ako na one day, sana mas mahaba para makita ko ‘yung mga anak ko, magsilakihan pa, I know if it’s my time, it comes, ganoon, eh. Ako ‘yung tipong anak na in-denial, alam mo ‘yung ibang (anak) na dalang-dala at magsasabing ‘okay lang ‘yan. Pero masakit din.  Hindi ako nagre-react, eh, walang ganoon,”kuwento ni Aga.
Samantala, mapapanood na ngayong araw ang Seven Sundays na produced ng Starcinema mula sa direksiyon ni Molina at bukod kina Aga, Enrique, Dingdong, Donita Rose, at Cristine ay kasama rin sina Kean Cipriano, Ketchup Eusebio, April Matienzo, Jeffrey Tam, Kyle Echarri, Kin Billote, Angelee Cruz, Gabrie Iribagon, at Alyanna Angeles.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …