INIHAYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, walang mataas na opisyal ng pulisya ang nasa watchlist ng Philippine National Police (PNP).
Nilinaw ni Albayalde, ang nakalista lamang sa drug watchlist ng PNP ay mga city councilor, at mga barangay official.
Ayon sa NCRPO director, galing sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang bahagi ng Intelligence unit ng PNP, ang drug watchlist na kinabibilangan ng matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang ang alkalde, governor at iba pa.
Aminado si Albayalde na territorial unit ang kanyang pinamumunuang NCRPO, na nakatutok sa mga street pusher.
ni JAJA GARCIA