Monday , November 18 2024

40 porsiyento ng kanser iniuugnay sa sobrang taba

SINASABING may kaugnayan ang excess fat, o sobrang taba, sa 40 porsiyento ng lahat ng kaso ng kanser sa Estados Unidos para imungkahi ang bagong pagnanaw sa pagpigil ng nasabing sakit.

Sa bansang naitalang 71 porsyento ng mga adult ay alin man sa overweight o obese, napag-alaman sa findings ng US Centers for Disease Control and Prevention na ang excess fat ay maituturing na ‘serious cause for concern,” ayon sa direktor ng nasabing ahensiya na si Brenda Fitzgerald.

“A majority of American adults weigh more than recommended -– and being overweight or obese puts people at higher risk for a number of cancers,” ani Fitzgerald sa opisyal na paha-yag.

“By getting to and keeping a healthy weight, we all can play a role in cancer prevention,” dagdag niya.

Napatunayan na ang pagdadala ng excess weight ay nakapagpapaigting ng banta ng 13 uri ng tumor, kabilang na ang mga kanser sa esophagus, thyroid, postmenopausal breast, gallbladder, tiyan, atay, pancreas, kidney, obaryo, uterus, colon at rectum.

Sa talaan, tumataas ang bilang ng rates ng mga overweight at obesity-related na kanser kung ihahambing sa overall rate ng mga bagong kaso ng kanser na sadyang bumaba simula noong 1990s.

Tanging ang colorectal cancer na weight-associated ang babawasan ang bilang sa pagitan ng 2005 hanggang 2014 na bumagsak sa 23 porsiyento sanhi ng laganap na screening.

Ang ibang kanser ay tumaas ng 7 porsiyento sa nakalipas na dekada habang mahigit sa 70 porsiyento ng 630,000 kaso ng weight-associated cancer noong 2014 ay naranasan ng mga indibiduwal na nasa pagitan ng 50 hanggang 74 anyos ang edad.

(TRACY CABRERA)



About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *