Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, nagmukhang mataba sa damit na ipinasuot ng stylist

SANA aware ang mga stylist kung bagay o hindi sa mga artistang kliyente nila ang mga damit na ipinasusuot nila dahil hindi naman sila ang mapupulaan kapag napintasan ang mga kilalang personalidad.

Tulad ng suot ni Angeline Quinto sa It’s Showtime nitong Biyernes (Oktubre 6) na halatang malaki sa kanya ang suot na blazer pati na ang katernong pantalon na kulay pink pa mandin kaya ang taba-taba sa TV ng singer at isa sa Sing-vestigators ng I Can See Your Voice.

Tinext namin ang dalaga at sinabi nga namin na ang laki niya sa telebisyon.

“Ate Reggee, ang laki-laki kasi niyong damit ko,” sagot sa amin ng dalaga kaya binalikan namin ng tanong kung ‘bakit niya isinuot.’

“Wala ng iba ate Regs, na-stress nga po ako kanina,” mabilis na sagot ng mang-aawit.

At binanggit namin kung sa stylist galing ang damit at um-oo naman si Angge sa amin.

Sabay sabing, “sabi ko nga po magdala ng maraming options (extra), eh. Wala na ako nagawa ate Regs kasi live po kami kanina.”

Mabuti na lang at hindi rin alangan si Angeline sa production number nila nina Dessa at Frenchie Dy dahil pawang malulusog sila maliban kay Jona.

Mystery guy, kasa-kasama
sa Tagaytay at Japan

Samantala, pinadalhan kami ng fans ni Angeline ng litratong may kasamang lalaki na kumakain sa restaurant at nakasakay sa rides na kuha sa Tagaytay Ranch.

Nabanggit din ng nagpadala sa amin na magkasama rin ang guy at ang singer sa nakaraang Japan show nito.

Kaagad namang itinanggi ni Angeline na kasama niya ang guy sa Japan, “hindi ko po siya kasama sa Japan ate Regs, kaibigan ko lang po ‘yun,” sabi ng dalaga noong alamin din namin kung boyfriend niya.

At ‘yung mga kuhang kumakain at nakasakay sa rides, “dito lang po iyon sa Pilipinas, marami po kaming magkakasama noon. Hindi ko na po siya nakakasama ngayon,” sabi pa.

Inamin naman ni Angeline na isa ang guy sa nanligaw sa kanya pero hindi niya sinagot at naging magkaibigan na lang sila dahil magkakilala na ang mga pamilya nila.

Anyway, ang regular show ni Angeline ay ang I Can See You Voice at pawang corporate shows ang pinagkaka-abalahan niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …