Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

I’m now again a Trillionaire ni Mother Lily, maririnig na naman sa The Debutantes

NATAWA kami sa tawag ngayon sa cast ng The Debutantes na sina Sue Ramirez, Jane de Leon, Chanel Morales, Michelle Vito, at Miles Ocampo na The It Girls of Horror.

Oo nga, bagay naman sa kanila na tawagin silang It Girls dahil pare-parehong magaganda at katangian, ‘yun nga lang, may kadugtong na Horror kasi nga sa pelikula nilang nakatatakot.

Nauso ang It Girls sa ibang bansa para sa mga sikat na artista nila at nagkaroon din naman dito sa Pilipinas at sa generation nina Solenn Heussaff-Bolzico, Isabelle Diaz-Semblat, Georgina Wilson-Bumand,Lauren, at Liz Uy.

At sa millennial ay sina Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Nadine Lustre, at Liza Soberano na ang bagong It Girls ng showbiz.

Mahilig kaming manood ng horror movies pero nagtatakip naman kami kapag nakakatakot na ang eksena at ganito ang ginawa namin sa premiere night ng The Debutantes kaya nagkasya na lang kaming makinig sa mga sigawan, hiyawan, at malalakas na tunog na bumabayo sa mga speaker ng sinehan sa Vertis North Cinema 2.

Ang kuwento ng The Debutantes kapag sumapit na ang 18th birthday nila ay may nangyayari na hindi maipaliwanag.

Mas maganda kung panoorin ito sa sinehan para mas maka-relate ang mga manonood lalo na ang mga malapit ng mag-debut o kung gugustuhin pa nilang dumating ang 18th birthday nila.

Masaya sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo dahil sa positibong reaksiyon ng lahat kaya maririnig na naman namin sa una na,”I’m now again a Trillionaire.”

Suportado si direk Prime ng kapwa niya direktor na sina Ivan Andrew Payawal, Perci M. Intalan, at Jun Robles Lana ng IdeaFirst Companykasama na ang girlfriend niyang isa sa nagsulat ng script na si Jen Chuaunsu at kaibigang si Elmer Gatchalian.

Dumating naman ang mga kapwa Star Magic talents nina Sue, Michelle at Miles na sina Mackoy de Leon at Elise Joson (The Good Son cast),Jonathan Manalo, Sharlene San Pedro ng Goin Bulilit days. Naroron din si Aaron Villaflor, sino kaya ang sinadya niya?

Naroon din ang produkto ng Artista Academy na si Akihiro Blanco na kasama ni Chanel sa TV5 at ang boyfriend ng dalaga na si Carl Guevarra.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …