SA tagal at rami na ng naiambag sa showbiz industry ni Boy Abunda bilang TV host, talent manager, at public speaker, wala pa siyang planong magretiro.
“Wala pa, pero may mga pagkakataong I’m asking myself kung kailan kaya ako makakapagbakasyon ng isang buwan na diretso. But I can’t complain because I’m so blessed, ABS-CBN has treated me so well all these years and I can’t complain.
“Nakakapagod ang aking trabaho, ibang pagod ito, eh. But compared to the pagod to the blessings, ang layo that’s why I’m eternally grateful all the blessings and I don’t think I will ever retire, pero I wanna take a break, when, I don’t know. I will listen to the whisper,” paliwanag ng King of Talk.
Nakausap namin ang TV host sa It’s Like This book launching niya noong Linggo sa Shangrila Plaza Mall na dinaluhan ng mga kaibigan niya sa showbiz at outside showbiz at mga talent tulad nina Sitti, Gelli de Belen, at Bianca Gonzales-Intal na naging host sa event.
Masarap at madaling basahin ang It’s Like This book ni Kuya Boy dahil ikinuwento nito ang buong buhay niya kung paano niya nalampasan ang hirap at narating ang kinalalagyan niya ngayon na ang tanging inspirasyon ay ang kanyang ina.
Mabibili ang It’s Like This book sa lahat ng National Book Store at Power Books sa halagang P275 mula sa ABS-CBN Publishing.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan