Sunday , January 12 2025
RS07 092517 New Customs Commissioner Isidro S. Lapena with NAIA customs district collecotr Ed Macabeo atten the flag raising ceremony yesterday in celebration of the 57th founding anniversary of the Bureau...........Rudy Santos

587 promotions ibinukas ni Lapeña sa NAIA (Sa ika-57 founding anniversary ng BoC)

“I KNOW arithmetic, as I know the correct valuation of goods. If any of you who does not want to follow the proper valuation you are giving me the reason to do that you don’t want to happen to you!”

Ito ang mahigpit na babala ni Commissioner Isidro S. Lapeña na kanyang inihayag sa pagdiriwang ng 57th Founding Anniversary sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, kasabay ng masayang balita na may naghihintay na 587 promotions sa qualified personnel ng Bureau of Customs (BoC)

Ayon kay Lapeña, mahigpit ang marching order mula sa Malacañang na ipatigil ang korupsi-yon sa bureau at paunlarin ang revenue earnings para sa pamahalaan.

Bilang bahagi ng kanyang unang hakbang, inihayag ng Commissioner na naghihintay ang 587 promotions sa qualified personnel ng Bureau sa NAIA kasabay ng pagbibigay ng Plaque of Appreciation kay District III Collector Ed Macabeo na magreretiro na ngayong buwan.

Pero sinabi ng bagong commissioner, ang mga kawani na mahigit sa 10-taong hindi napo-promote ang siyang bibigyan ng prayoridad para sa promotions.

Binanggit niya ang pagkuha ng mga bagong empleyado sa hanay ng mga kasalukuyang nasa job orders para sa NAIA.

Makatutulong umano ang promotions, upang mapalakas ang bureau at madagadagan ang revenue habang nilalabanan ang korupsiyon.

Bahagi rin umano ito ng pagtalima sa mahigpit na marching order mula sa Malacañang na pataasin ang revenue earnings para sa pamahalaan.

 Mariin niyang pinaalalahanan ang rank and file na ilegal ang kalakarang ‘tara’ system o panunuhol na umiiral sa loob ng Bureau sa mahabang panahon.

 Inulit niya, “If any of you who does not want to follow the proper valuation you are gi-ving me the reason to do that you don’t want to happen to you!”

(JSY)



About JSY

Check Also

Garahe nasunog BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

HATAW News Team PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang …

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *