Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga awitin ni John Melo, sikat pa rin hanggang ngayon

BUKOD sa pagiging sikat na dentista sa San Francisco California, USA, si John Melo ay show producer na rin. Katunayan, isa siya sa producer ng concert nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Mitch Valdez, at Nanette Inventor na may titulong Diva 2 Diva na gaganapin sa Chabot Performing Arts Center, Hayward CA USA sa Nobyembre 3, 2017. At for tickets online ay maaring mag-log on sa https://www.jmeloentertainment.com/or call 415-747-7240.

Nakilala si Melo sa awiting Hanap-Hanap Kita na isinulat ni Vehnee Saturno at sumikat 25 years ago na hanggang ngayon ay pinatutugtog pa rin sa Spotify at Itunes kaya sa madaling salita, tanda pa rin siya ng tao lalo na ‘yung fans niya na hindi pa rin bumibitiw sa kanya. Nagka-chat kami ni John sa FB at tinawagan kami para makipagkuwentuhan at humingi ng update sa showbiz at music industry.

Ikinuwento ni John na maski successful dentist na siya sa Amerika at may dalawang clinic doon ay hindi pa rin nakalilimutan ang industriyang una niyang minahal.

Nabanggit pa ni John na in two week’s time ay mapakikinggan na sa Spotify at Itunes ang unang Christmas song niya na si Vehnee rin ang sumulat.

At ngayong Nobyembre 2017 ay 25th year na ni John at plano niyang umuwi para iselebra ito kasama ang supporters niya na hindi pa rin siya nakalilimutan dahil hanggang ngayon ay nakaka-chat pa niya at kinukumusta siya at tinatanong kung kailan siya magso-show sa bansa.

Aniya, “ngayon lang ako sana babawi, magso-show sana ako para sa kanila (fans).”

Samantala, naiimbitahan si John mag-guest sa mga show ng mga local singers para sa mga kababayang Pinoy na roon na rin naninirahan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …