Monday , December 23 2024
shabu drug arrest

P2.5-M shabu kompiskado sa magdyowa, 6 pa arestado

ARESTADO ang mag-live-in partner at anim iba pa sa isinagawang anti-drug operations ng pulisya sa dalawang bayan, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa.

Unang inaresto ng Sta. Maria PNP sa pamumuno ni Supt. Raniel Valones, ang mag-live-in partner na sina Christopher Dave Colango at Janell Roldan, kapwa residente sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Nakompiska sa kanila ang tinatayang P2.5 milyon halaga ng shabu, isang cal. 22 revolver, mga bala, P1,000 marked money, at drug paraphernalia.

Kasunod na inaresto sa bayan ng Bocaue sina Narciso Aurelio at Dionisio Masendo, kapwa ng Brgy. Caingin; Rowena Ajeto, Zandelle Laxamana, Jobelle Flores, at Tony Salvador, mga residente sa Brgy. Loma de Gato, sa bayan ng Marilao.

Habang pinaghahanap ang nakatakas na si Renato Aleto.

Ayon kay Supt. Jowen dela Cruz, hepe ng Bocaue PNP, nakompiska sa mga suspek ang 27 sachet ng shabu, 600 marked money at drug parahernalia.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *