Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Killer-rapist sa Aurora arestado sa Bulacan (Sangkot sa droga at holdap)

ARESTADO sa mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Group-Region 3, ang isang lalaking matagal nang tinutugis dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga at robbery-holdup, sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Christian Ramos Quintal, nasakote sa Sitio Camboyogan, Brgy. Kalawakan, San Miguel, Bulacan, dahil sa pagkakasangkot sa droga at robbery-holdup.

Ayon kay Supt. Ruel Moreno, deputy chief ng RHPU-3, nang beripikahin ang pagkatao ng suspek, natuklasan na wanted din si Quintal sa paghalay at pagpatay kay Roselyn Ritual Cruz, 8-anyos, sa Dingalan, Aurora, noong Setyembre.

Nakita ang bangkay ni Cruz sa gubat na may mga saksak sa mukha at ginilitan ang leeg bukod sa lumitaw na inabuso rin ang bata.

Katunayan, mayroong warrant of arrest sa korte si Quintal kaugnay sa pagpatay at paggahasa sa biktima.

Ngunit giit ni Quintal, hindi niya ginusto ang nangyari sa bata at idiniing mayroon pa siyang ibang kasama sa krimen na sina alyas “Mark” at “Edward.”

Sina alyas “Mark” at “Edward” aniya ang nagdala sa bata sa gubat at pinilit siyang halayin. “Papatayin ho nila ako, no choice ako para hindi gawin sir,” depensa ni Quintal.

Ayon sa pulisya, gumagamit ng droga si Quintal kaya lumalakas ang loob ng suspek na gumawa ng iba’t ibang krimen. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …