TATLO pang Filipino ang iniulat na nasugatan makaraan ararohin ng van ang karamihan ng mga tao sa Spanish City, sa Barcelona nitong Huwebes ng gabi.
Sa kabuuan, umabot na sa anim Filipino ang sugatan kasunod ang naunang ulat na kabilang sa mga nasugatang mga biktima ang isang amang Filipino at kanyang dalawang anak na pawang Irish citizens. Ayon kay Philippine Honorary Consul Jordi Puig, ang pa-milya ay nasa ligtas nang kalagayan.
Dalawa sa nadagdag na mga sugatan ay sinasabing nakabase sa Milan, Italy, at nagbabakasyon sa Barcelona. Habang ang isa ay isang Australian citizen.
Ang dalawang Filipino na nakabase sa Milan ay bahagya lamang nasugatan at pabalik na sa Milan.
Samantala, nagtipon-tipon ang Spanish locals nitong Biyernes ng hapon sa Placa de Catalunya sa Barcelona para sa “minute of silence.”
Nagdeklara si Spain Prime Minister Mariano Rajoy ng tatlong araw na “national mourning” habang iniimbestigahan ng pulisya ang pag-atake na sinasabing “jihadist terrorism.”
HATAW News Team
Palasyo nakiramay
ATAKE
SA BARCELONA
KINONDENA
NAKIRAMAY ang Palasyo sa mga biktima nang pag-atake ng isang van sa Barcelona, Spain na ikinamatay ng 13 katao at ikinasugat nang mahigit 100 iba pa.
“Our hearts and prayers go out to the families and loved ones of the innocent victims who pe-rished and those who got injured in Barcelona,” pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon.
Nakikiisa aniya ang Palasyo sa mga peace-loving people sa international community sa pagkondena sa pag-atake sa Espanya.
“We are one with the peace-loving people of the international community in condemning this latest attack in Spain on Thursday that left at least 13 people dead and injured more than 100 others,” dagdag ni Abella.
Tiniyak ni Abella, nakatutok ang Philippine Embassy sa Madrid sa sitwasyon.
Sa ulat, inako ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pag-atake sa Barcelona nitong Huwebes ng hapon.
Makaraan ang walong oras sa Cambris, isang siyudad na 120 kilometro ang layo sa Barcelona, isang Audi A3 car ang nanagasa ng mga tao na ikinasugat ng anim sibil-yan at isang pulis.
Nakipagpalitan ng putok ang mga suspek sa mga pulis na ikinamatay ng limang attackers, ang ilan ay may suot na explosive belts. Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang mga napatay na terorista sa naganap sa Barcelona.
(ROSE NOVENARIO)