KUNG ikaw ay ‘rich-and-famous’ tulad ng mga sikat na artista o pop star sa musika at showbiz, ito ang dapat tandaan: tiyak na mahihirapang panatilihing lihim ang iyong mga DM sa mga usisero at tsismosa’t tsismoso.
Ang totoo, mistulang gasolina sa social media ang bawat usapan o conversation sa screenshotting kaya mas maka-bubuting itago ang kinagigiliwan o hilig—lalo na kung ang pangalan mo’y Justin Bieber.
Patuloy ang pag-browse ng mga Biebs sa mga DM nang walang pangamba, at sa puntong ito may naging ‘obscure target’ na kanilang namataan.
Naatasan si Jessica Gober, 22-anyos na empleyado ng Fitness on Broughton sa Savannah, Georgia, na paigtingin ang social media presence para sa kanyang employer, at ang direktibang ito ang nagbigay-daan sa matinding boomerang sa pagmomodelo ni Gober ng isang energy drink para sa pahina nito:
Nang mangyari ito, 73 pa lamang ang mga follower ng gym sa Instagram, ngunit sa hindi malamang paraan, naging atraksiyon ang pahina sa sikat na follower na naglagay ng post. Matapos maispatan ang dalaga sa nasabing Instagram page, nagawa ni Biebs ang pagkakamali ng isang binata na hinatagan ng ‘proposal’ para ma-trap rito.
Pasok sa bitag ang popular na idolo sa pagtugon sa generic gym page nang alukin si Gober.
Idinokumento ng seksing empleyada ang palitan ng mensahe sa kanyang Twitter page para i-share ang interes ni Bieber.
Wika ng isang nakabasa sa usapan: ‘m all for shooting your shot, but I have a lot of questions about how/why Bieber was trolling through a page for a Savannah gym with minimal social media presence. Best believe that if this was any old person off the street thirsting after random gym employees, they’d get hit with the “creepy” tag and shunned by the public.
Ano man ang masasabing katotohanan sa isyu, nagalit ang Bieber hive sa dalaga dahil sa panghihiya na nagmula sa pag-share ng usapan nila ng pop icon kaya kinondena si Gober dahil hindi naging finesse sa teen superstar.
ni Tracy Cabrera