Monday , December 23 2024

Marlo, nagpapakatatag para sa inang may cancer

MARAMI ang nakikisimpatya kay Marlo Mortel dahil may pinagdaraanan. Nasa stage 4 breast cancer ang kanyang ina pero patuloy silang lumalaban para gumaling ang ina.

Nag-post si Marlo ng photo nilang mag-ina sa kanyang Instagram account. May caption ito ng, “You are so strong Mommy. Thank you for always fighting! We will fight with you all the way wag ka mapapagod. We love you so much!”

Marami ang nagdarasal na gumaling ang mommy niya at nagpapayo na magpakatatag ang kanilang pamilya.

May mga nagsasabi rin na sana ‘yung mga gaya ni Marlo na talented ang bigyan ng mas maraming proyekto ng Kapamilya Network. Bukod sa UKG (Umagang Kay Ganda), magkaroon din sana ito ng serye para may dagdag pangsuporta sa inang may sakit.

Anyway, live na mapapanood si Marlo sa aming birthday show sa Zirkoh, Tomas Morato sa August 30 entitled, Musicali3 (M2M2M) na kasama sina Michael Pangilinan at Marion Aunor. Tatlong M ang magbibigay saya.

Boom!

(ROLDAN CASTRO)

About Roldan Castro

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *