Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, mami-miss ang cariño brutal ni Tito Alfie

NATUTUWA kami kina Judy Ann Santos at Sunshine Cruz dahil ibinigay nila ang huling respeto sa kanilang yumaong dating manager na si Alfie Lorenzo.

Noong nabubuhay pa si ‘Nay Alfie may mga daing at sama ng loob siya kina Juday at Sunshine pero nananatiling off the record ‘yun. Pati na rin ang pagpapaalam ni Juday na idinaan sa sulat at sinagot din ni Tito A sa pamamagitan ng sulat ng lawyer. May kanya-kanya silang dahilan sa paghihiwalay kaya idinaan na lang sa tahimik na pamamaraan.

Pero lingid sa kaalaman ni ‘Nay Alfie laging kinukumusta ni Juday ang kalusugan at kalagayan ng dating manager sa personal assistant ng former manager. Noong huling isugod din sa ospital si ‘Nay Alfie si Juday pa rin ang nagtakbo sa kanya sa ospital.


Ang kapatid ni Lorenzo na si Ate Gay nang magpasalamat kina Juday at Jeffrey sa pre-eulogy na idinaos bago ang cremation rites.

Marami rin ang na-touched kay Juday dahil siya ang nag-asikaso sa burol ng dating manager. Kahit anong nangyari sa kanila nandoon pa rin ang pagtanaw ng utang na loob ni Judy Ann.

Aminado ang batang Superstar na mami-miss niya ang cariño brutal ni Nay Alfie sa kanya, ‘yung mga sermon at pagmumura.

Bago namatay si ‘Nay Alfie ay nagkaayos naman sila. Binulungan din niya ito ng “I forgive you, I’m sorry also.”

Samantala, isa pang nagulat sa pagyao ni Tito A ang dati niyang alagang si Sunshine. “RIP Tito Alfie Lorenzo. Maraming salamat po sa lahat.”



Ang burol ni Alfie Lorenzo sa Arlington Memorial Chapels.

Nakipag-coordinate rin siya kay Juday kung saan ang burol kaya sila ang naroon sa unang gabi ng lamay kasama si Jeffrey Santos.

Aminado si Shine na matagal na silang hindi nag-uusap since last year pero lagi itong nasa puso ng aktres at nagpapasalamat siya sa lahat ng naitulong niya.

Ilan pa sa mga naging alaga ni ‘Nay Alfie ay ang Liberty Boys, Ruffa Gutierrez, Jackie Forster, Rey ‘PJ’ Abellana, Edgar Mande, Lito Pimentel atbp..

Paalam ‘Nay Alfie!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …