Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cone: Thompson estilong Lonzo Ball

DATI, naikompara ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang kanyang manok na si Scottie Thompson sa noo’y hindi pa MVP na si Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder dahil sa mga pambihirang rehistro ng rebounds bilang guwardiya.

Sa pagbabalik ni Greg Slaughter na siyang nagtulak kay Thompson sa natural niyang posisyon at hindi na sumingit sa ilalim para sumikwat ng rebound, nagpakita na naman ng gilas sa panibagong departamento ang sophomore Gin King.

Bumira ng 4 puntos, 10 assists at 3 rebounds si Thompson sa 120-99 panalo ng KIA at hindi maiwasan ni Cone na maikompara ang pro-dukto ng Perpetual sa rookie sensation ng Los Angeles Lakers na si Lonzo Ball.

“At this point in this upcoming NBA season, I think the guy that finally resembles Scottie Thompson will be Lonzo Ball,” mariing pahayag ng winningest PBA coach.

Magugunitang nasa Amerika si Cone noong nakaraang taon upang mag-scout ng basketball talents at nagkaroon siya ng tsansang masaksihan si Ball sa NBA Summer League na itinanghal na Most Valuable Player nang tulungan ang Lakers na makaabot sa Finals at mag-kampeon.

“That’s what makes him a special player. That’s what makes Scottie special, really, with the infectious attitude that he has,” dagdag ni Cone.

Noong rookie year ni Thompson, makailang ulit siyang umukit ng kasaysayan sa pinakamaraming rebounds mula sa isang guwardiya, nagrehistro rin sya ng triple-double na 12 puntos, 11 rebounds at 10 assists upang maging unang freshman simula 1993 nang magawa rin ito ni Johnny Abarrientos.

Si Ball ay tumikada ng 16.9 puntos, 9.3 assists at 7.7 rebounds sa Summer League. Sa ngayon, mayroong 8.67 puntos, 7.33 assists at 3 rebounds kada larong rehistro si Thompson.

Hindi man eksakto at kuhang-kuha, naniniwala si Cone na maaabot din ng kanyang bata ang mga numerong gaya nito.

“Lonzo’s a good shooter but an inconsistent shooter. And Scottie hasn’t become a consistent shooter yet. They’re very similar in style and Scottie is big in his position and so is Lonzo Ball,” pagtatapos ni Cone.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …