Natuklasan sa suspek ang tangka niyang ipuslit na liquid cocaine na nakatago sa dala niyang apat jackets.
Ayon sa ulat, ang suspek na si Maria Hinojosa Bazan ay inaresto dakong 7:00 pm.
Napag-alaman, ang dalang jackets ng suspek ay custom-made upang maitago ang kontrabando.
Sinabi ni Jojo Bautista, Philippine Drug Enforcement Agency deputy task commander, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Interpol na may illegal drugs na darating sa Manila.
Si Bazan, mula Sao Paolo, Brazil ay nagtungo sa Bangkok bago sumakay sa connecting flight pa-Maynila.
Nagsagawa ng dalawang field tests sa NAIA ang PDEA personnel at nakompirmang ang droga ay cocaine.
Sinabi ni Bazan, na-kiusap lamang sa kanya ang boyfriend ng kanyang kaibigan na i-deli-ver ang droga sa Filipinas kapalit ng libreng operasyon sa isa niyang kaanak.
Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa NAIA Terminal 3.
Ang cocaine ay dinala sa laboratoryo ng PDEA para sa iba pang pagsusuri, habang inihahanda ng mga opisyal ang kaukulang kasong maaaring isampa laban sa suspek. (JSY)