Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tenorio itinanghal na PBA Player of the Week

MATAPOS pangunahan ang pagsagasa ng Barangay Ginebra sa Globalport kamakalawa, sinungkit ni LA Tenorio ang PBA Press Corps Player of the Week na parangal para sa ikalawang linggo ng 2017 PBA Governors’ Cup.

Pumukol ang 33-anyos na ‘Gineral’ ng 29 puntos sahog na ang 5 tres, 5 rebounds at 4 assists sa 124-108 madaling panalo ng Gin Kings kontra Batang Pier para sa kanilang unang panalo sa season-ending conference.

Ginapi ng 2-time Finals MVP na si Tenorio sina Kevin Alas, Carlo Lastimosa at Alex Mallari ng NLEX, Paul Lee at Ian Sangalang ng Star, June Mar Fajardo at Marcio Lassiter ng San Miguel, Jayson Castro at Troy Rosario ng TNT, Jared Dillinger at Reynel Hugnatan ng Meralco at ang kasangga niyang si Greg Slaughter.

“Kompiyansa ako kasi may apat akong malalaki sa ilalim. Malaking bagay ‘yun. I think masyado naka-focus sa ilalim kaya nao-open up mga guards sa labas,” pag-amin ni Tenorio sa higanteng line-up ng Ginebra na sina Justin Brownlee, Joe Devance, Japeth Aguilar at ang nagbabalik mula injury na si Slaughter.

Susubukan iangat ng Ginebra sa 2-1 ang kanilang kartada kontra Kia Picanto sa darating na Miyerkoles matapos matalo sa unang laban kontra sa karibal na Meralco Bolts na dinaig nila noong nakaraang taong Finals ng Govs’ Cup. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …