Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cruz, pinarangalan ng Chooks-To-Go ng sportsmanship award

NASAKTAN man nang matindi sa pakikipagbanggaan at pakikipagpalitan ng mukha sa mga karibal sa Asya sa nakalipas na 39th William Jones Cup sa Taiwan, hindi nagpatinag si Carl Bryan Cruz at nanatiling kalmado ang isipan bagamat nag-aalab ang puso.

Dahil sa tahimik na pagbalikwas sa mga sakit na natatanggap sa pamamagitan ng pagbuslo ng mga umaapoy na tres bilang sagot, nakatanggap nang hindi inaasahang parangal si Cruz mula sa tagasuporta ng Gilas na Chooks-To-Go.

Binigyang-pugay si Cruz ng Sportsmanship Award kalakip ang P.1-M bilang pagtanaw sa isinakripisyo niya sa Jones Cup sa gitna ng mga muntikang away kontra sa ibang mga bansang nakalaban ng Gilas partikular sa Lithuania at Iraq.

Higit pa rito, nabibiyaan din si Cruz nang mas magandang regalo nang magbunga ang kanyang paghihirap dahil makakasama siya sa parehong Southeast Asian Games at FIBA Asia Cup.

Parehong napili sa dalawang koponan si Cruz at inaming mahihirapan ngunit kakayaning paghandaan at pagsabayin ang misyong iniatang sa kanya sa ilalim ng bandila ng Filipinas.

Makakasama ni Cruz ang mga kadete ng Gilas sa SEA Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa 19-30 Agosto 2017 samantala sa FIBA Asia Cup ay tandem naman ang mga beterano sa PBA kontra sa mga karibal sa Asya sa darating na 8-20 Agosto 2017.

Tanging sina Cruz at Christian Stanhardinger ang makakasama sa tatlong koponang ipinadala ng bansa sa Jones Cup, SEA Games at FIBA Asia.

Bilang tulong, tuluyan muna siyang ipinahiram ng koponan sa PBA na Alaska Aces sa Gilas Pilipinas para makapag-prepara nang maayos sa kanyang tungkulin sa bansa.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …