Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wall, Wizard pa rin

PUMIRMA ng apat na taong supermax extension contract si John Wall para manatili sa Washington Wizards.

Tinintahan na ni Wall ang $170M kamakalawa para sa kontratang magsisimula sa 2019 ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Dahil sa pananatili sa Wizards, buo pa rin ang Big 3 na sina Wall, Otto Porter at Bradley Beal na pumang-apat sa Eastern Conference noong nakaraang taon sa kartadang 49-33.



Kakapirma lang din ni Porter ng US$106M para sa apat ding taon sa Wizards habang US$128M naman kay Beal para sa limang taon na pinirmahan naman niya noong 2016.

Dinala ni Wall hanggang Game 7 ng East semis ang Wizards sa kabila ng inirehistrong 27.2 puntos at 10.3 assists at napili din sa All-NBA Third Team para maging karapat-dapat sa supermax deal.

Siya ang ikatlong nakakuha ng supermax deal sa likod ng US$201M ni Stephen Curry ng Golden State at US$228M ni James Harden ng Houston ngayong 2017-2018 NBA offseason. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …