Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boston Celtics' Paul Pierce looks for a reaction from the crowd in the second quarter of an NBA first-round playoff series basketball game against the Atlanta Hawks in Boston, Sunday, May 6, 2012. The Celtics won 101-79. (AP Photo/Michael Dwyer)

Pierce magreretiro bilang Celtic

 

SAAN ka man magpunta, anila, ay babalik ka pa rin kung saan ka nagmula.

Matapos ang apat na taong paglilibot sa ibang koponan, balik Boston Celtics si Paul Pierce ngunit hindi upang maglaro pa kundi u-pang mag-retiro na.

Nauna nang inihayag ni Pierce noong nakaraang 2016-2017 NBA Season na magreretiro na siya ngunit kinailangan pa ni-yang tapusin ang kontrata sa Los Angeles Clippers at upang makapirma ng isang araw na kontrata sa Boston na una siyang nakilala.

Napili si Pierce ng Celtics bilang ika-10 overall pick sa 1998 NBA Draft. Buhat noon, siya na ang naging mukha ng prangkisa gayon din ng siyudad ng Boston.

Nagwagi siya ng kam-peonato noong 2008 sa Celtics, makailang ulit din na-ging all-star bago itinulak ng Boston pa-Brooklyn Nets noong 2013. Naglaro siya sa Washington Wizards at ga-yondin sa Clippers bago waka-san ang ma-kulay na 19 taon sa NBA bilang Celtic. Tiniyak ng Boston na ireretiro na rin nila ang #34 jersey ni Pierce na all-time leader ng Boston sa 3 points, free throws at steals. Ikalawa siya John Havlicec sa scoring.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …