INARESTO ang apat katao kabilang ang isang babae, ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa package na may lamang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Ang package na may timbang na 20.6 kilos ay idineklarang Sikaflex Sealant nang dumating sa Maynila, dalawang linggo na ang nakararaan na ipinadala ng Home Depot sa Mexico.
Ayon kay BOC District III Collector ED Macabeo, ang package na nasa DHL warehouse sa Pasay City ay naka-consign sa isang James Corpuz ng Blk. 1 Lot 3, Victorian, Fairview, Quezon City.
Inutusan ni Macabeo ang kanyang mga tao na magsagawa ng monitoring sa DHL office upang matukoy ang kukuha ng package.
Kahapon, dumating ang apat na lalaki, kinilalang sina Casan Osir Rai-nang ng Bautista St., Quiapo, Maynila; Jamal Ami-nah Tantao ng Fairview, Quezon City; Alnor Sultan Pundato ng Sitio Kamunoy St., Quezon City at Isnairah Durannun Pundato ng Capitol Estate, Batasan Hills, Quezon City para kunin sa DHL warehouse ang package.
Pero sa isinagawang inspeksiyon, nadiskubre na mahigit sa 20 kilo ng shabu ang nakapasak sa 25 piraso ng cylindrical tubes ng Sikaflex Sealant, na tinatayang may street value na P12-P15 milyon.
Agad inaresto ang mga suspek saka ibinigay sa pangangalaga ng Phi-lippine National Police habang ang droga ay ini-lagay sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang disposisyon.
JSY