Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, hinahanapan na ng bagong leading man; magic ng AlDub, sumadsad na

KUNG kalian naman this coming July ay magdadalawang taon na ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza ay at saka pa matunog ang balitang nalalapit na ang pagkakabuwag.

Eksaktong July 15, 2015 nang magsimulang sumikat nang todo-todo ang AlDub kasabay ng kanilang teleserye sa Eat Bulaga. Mahirap paniwalaan kung anong mayroon sa odd combination nina Alden at Maine, pero tinangkilik ‘yon ng milyon-milyong manonood.

Pero dahil phenomenal nga ang tawag sa kanilang loveteam, madali ring maunawaan kung wala pang dalawang taon mula nang ipinaganak ito’y sumadsad na ang kanilang magic.

Isang malinaw na patotoo ang pinagsamahan nilang teleserye, ang Destined To be Yours, that because long-overdue na ang nasabing proyekto kung kaya’t kinaumayan na ‘yon ng mga manonood. Malamig sa mga yelo sa Antartica ang pagtanggap ng publiko, dahilan para hindi na ito i-extend ng isa pang season.

Sa ngayon, balitang in search ang APT ng bagong itatambal kay Maine. Yes, it’s goodbye Alden as her leading man.

Kauna-unawa naman kasi kung on their own na sina Alden at Maine. Sa kaso ni Alden na hindi na pinagdududahan ang husay sa pag-arte, hindi mahihirapang ihanap siya ng bagong kapareho.

We cannot say the same of Maine whose acting ay hindi nag-level up. Masagwa mang sabihin pero mukhang hanggang sa dubsmash lang pakikinabangan ang kanyang talento, no more, no less.

To make matters worse, ang asal niyang pamba-bash noon sa mga netizen ang ibinubuwelta sa kanya by their (AlDub’s) very supporters.

Sa wikang Ingles, these netizens are giving her the dose of her own medicine.

Na si Maine rin ang dapat sisihin.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …